TV

Heart Evangelista, sinagot ang tanong ni Boy Abunda kung kailan siya huling nakasalubong ng ahas

By Aedrianne Acar

Extra special ang episode ng Fast Talk With Boy Abunda kahapon, May 12, dahil bisita nito ang nag-iisang fashion icon at international luxury influencer na si Heart Evangelista.

Nakaagaw-pansin kay Tito Boy ang jaw-dropping necklace na hugis ahas na suot ni Heart.

Sabi niya rito, “Hindi ko matanggal ang aking paningin diyan sa kuwintas na yan. God! That's a Bulgari.”

Tugon ni Heart, “Isa siyang ahas. To remind us na madaming ahas sa mundo.”

Tawang-tawa naman ang King of Talk sa palong-palong hirit ng Sparkle star at sumunod na tanong niya: “Kailan ka huling nakasalubong ng ahas?”

Sagot niya, “Every day. Every day is a winding world.”

Sabat ni Boy, “That's a beautiful ahas.”

Sumunod na sinabi ni Mrs. Escudero, “It's a reminder that they can be your friends, too. And wear them as your accessories 'pag kinatay mo sila.”

Aliw na aliw din ang mga netizens at fans na nakapanood sa one-on-one chikahan ni Heart Evangelista sa Fast Talk With Boy Abunda.

Source: iamhearte (IG)

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG ILAN SA MEMORABLE ACCESSORIES NI HEART EVANGELISTA RITO: