GMA Logo mavy legaspi
What's on TV

Mavy Legaspi, inaming desisyon niya ang pumasok sa showbiz

By Jimboy Napoles
Published June 7, 2023 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

mavy legaspi


Ibinahagi ni Mavy Legaspi na tutol noon ang ina niya na si Carmina Villarroel sa kaniyang pagpasok sa showbiz.

Inamin ng Kapuso heartthrob na si Mavy Legaspi na bagama't anak siya ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ay sariling desisyon niya ang pumasok sa show business.

Sa June 7 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, game na sumalang sa isang interview si Mavy kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.

Dito ay tinanong ni Boy si Mavy tungkol sa kaniyang pagiging anak ng artista at kung paano niya tuluyang pinasok ang entertainment industry.

Ayon kay Mavy, siya ang nagdesisyon na maging artista gaya ng kaniyang mga magulang, pero noong una ay pinigilan din siya ng mga ito lalo na ng kaniyang ina na si Carmina.

Aniya, “Growing up may discouragement. More on my mom kasi she's very protective pero 'yung dad ko ever since talagang, 'Go I want you guys to do it pero kung ayaw n'yo okay lang.' Pero si mom kasi [iniisip] 'yung bashing, difficulty of the work, puyatan, then less time with friends, very motherly instincts siya pero it was definitely my decision to enter the industry.”

Sa ngayon ay napapanood si Mavy bilang isa sa mga bagong host ng longest-running noontime show na Eat Bulaga na ayon sa kaniya ay nakatutulong upang mahasa ang kaniyang talent sa hosting.

“I'm enjoying. Ako Tito Boy pagdating talaga sa trabaho whatever helps me improve doon ako. So I'm enjoying that I'm improving my skills 'yun talaga,” ani Mavy.

Samantala, bukod sa Eat Bulaga, mapapanood din si Mavy sa upcoming kilig series ng GMA na Love At First Read kung saan katambal niya ang kaniyang on-screen partner na si Kyline Alcantara. Mapapanood ang nasabing series simula sa Lunes, June 12, pagkatapos ng 24 Oras.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NG LEGASPI FAMILY SA GALLERY NA ITO: