
Hindi naniniwala ang aktor na si Alfred Vargas sa ilang social expectations pagdating sa mga kalalakihan gaya ng pagpapakita ng kahinaan nito sa pamamagitan ng pag-iyak.
Sa June 14 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sumalang sa isang usapang lalaki si Alfred kasama ang kaniyang co-actor sa AraBella na si Luis Hontiveros.
Dito ay ibinahagi ni Alfred na hindi siya natatakot na umiyak sa harap ng mga tao lalo na sa mga malalapit sa kaniya.
Aniya, “I cry in front of people that I am really close to kasi if I feel secure with your company, puwede kong ibigay talaga 'yung sarili ko sa'yo.”
Dagdag pa niya, “I also cry in movies, I cry in front of my children also pero madalas akong umiyak kapag kasama ko 'yung misis ko kapag may frustration, kapag malungkot. I'm not afraid to cry in front of others.”
Sinang-ayunan naman ito ni Luis at sinabing, “For me, it's not about being weak. I think vulnerability makes me an even stronger human being.”
Samantala, mapapanood naman sina Alfred at Luis sa huling dalawang linggo ng AraBella sa GMA Afternoon Prime.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NI ALFRED VARGAS SA GALLERY NA ITO: