GMA Logo rita daniela
What's on TV

Rita Daniela, may inggit sa kaibigang si Julie Ann San Jose?

By Jimboy Napoles
Published June 15, 2023 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

rita daniela


Nilinaw ni Rita Daniela ang tunay na opinyon niya sa takbo ng karera ngayon ng kaibigan at kapwa singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Iginiit ng Kapuso actress at ngayon ay first-time mom na si Rita Daniela na wala siyang inggit sa kaniyang kaibigan at kapwa singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Sa pagbisita ni Rita sa Fast Talk with Boy Abunda, isa sa kanilang napag-usapan ay ang naging takbo ng karera nila ni Julie Anne.

Matatandaan na magkasama noon ang dalawa sa singing competition na Pop Star Kids, kung saan tinanghal na grand champion si Rita.

Matapos ito, sabay na nagtuloy-tuloy ang mga karera nina Rita at Julie Anne bilang singer at aktres.

Sa ngayon, si Rita ay naka-focus muna sa kaniyang anak na si Uno, habang si Julie Anne naman ay abala sa kaniyang mga TV at movie project.

Kaugnay nito, tinanong ni Boy si Rita kung ano ang masasabi niya sa sunod-sunod na tagumpay ngayon sa career ng kaniyang kasabayang si Julie Anne.

Ani Boy, “Rita, diretsong tanong. Nakikita mo ngayon si Julie Anne, she's doing concerts, she has successful teleseryes, top-rating teleseryes, movies, in other words, she's on top of her game, kasabayan mo. Kapag nakikita mo ba si Julie Anne, may konting kurot? May konting inggit?”

Agad naman itong sinagot ni Rita, “Wala po, Tito Boy.”

Paliwanag ng celebrity mom, “Kasi, naniniwala po ako na we all have our seasons, at ito ang season ni Julie, at ang season ko ngayon is to be a full-time mom and to be the best mom to Uno.”

Ayon pa kay Rita, alam nila ni Julie Anne na isang healthy competition ang mayroon sila bukod sa pagiging magkaibigan dahil aminado silang competitive ang bawa't isa pagdating sa trabaho.

Aniya, “Since nanggaling kami sa competition, parang understood na 'yun sa amin na we have this healthy competition because we're both competitive and I like that about us.”

Mapapanood naman sina Rita at Julie Anne sa Sunday variety show ng GMA na All-Out Sundays.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI RITA DANIELA SA GALLERY NA ITO: