
Inamin ni Kapuso Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas na hindi siya nakakailag sa mga masasamang salita na sinasabi sa kaniya ng mga basher online gaya ng pagtawag sa kaniya ng “cougar.”
Sa muling pagbisita ni Aiai sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi niya ang kaniyang “ten rules” na naglalaman ng mga paalala niya tungkol sa pag-ibig, buhay, at karera.
Ikalima sa sampung alituntunin na ito ni Aiai ay, “Mga anak, huwag mag-jowa ng ayaw ni mommy. Baka lokohin ka lang o gawing sugar daddy o sugar mommy.”
Dahil dito, tinanong ng batikang TV host na si Boy Abunda si Aiai kung naranasan na niyang matawag na “sugar mommy.”
“Hindi pa naman, [pero] cougar," sagot ng aktres.
“Talaga? But that's painful,” sambit ni Boy.
Pabirong hirit ng batikang comedian-actress, “Is it painful? I think for me it's not painful because first, I can't understand what a cougar is. Char."
Sinang-ayunan naman ito ni Boy, “Ang hindi mo naiintindihan ay hindi nakakasakit."
Ayon kay Aiai, nababasa niya lamang ang mga masasamang salita na ito tungkol sa kaniya galing sa mga basher at hindi naman siya naapektuhan.
Aniya, “Sa mga nababasa ko lang naman na [sinasabi] ng mga basher.”
Diin pa niya, “Age is just a number."
Matatandaan na kasal na rin si Aiai sa kaniyang longtime partner na si Gerald Sibayan. Ayon kay Aiai, siyam na taon na silang nagsasama ni Gerald at getting stonger ang kanilang relasyon.
Samantala, mapapanood naman si Aiai sa bagong pelikula ni Louie Ignacio na Litrato, at bibida rin siya sa episode ng #MPK o Magpakailan sa July 29 episode nito ngayong Sabado.
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG BLISSFUL MARRIED LIFE NINA AIAI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN SA GALLERY NA ITO: