GMA Logo Allen Dizon
What's on TV

Allen Dizon, inaming naging unfaithful noon sa kaniyang asawa

By Jimboy Napoles
Published August 4, 2023 7:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Dizon


Inamin ni Allen Dizon na minsan siyang nagkamali sa relasyon nila ng kaniyang asawa.

Inamin ng award-winning actor na si Allen Dizon sa Fast Talk with Boy Abunda na minsan na siyang nakagawa ng pagkakamali sa relasyon nila ng kaniyang asawa na si Crystle Dizon.

Kuwento ni Allen sa batikang TV host na si Boy Abunda, si Crystle ang pinangarap niyang mapangasawa simula pa noong sila ay high school.

Aniya, “Ako kasi Tito Boy 'yung girlfriend ko, 'yung wife ko, high school pa lang kami parang siya na 'yung gusto kong mapangasawa. Siya na 'yung gusto kong makasama habang-buhay.”

Dahil dito, kahit pa naging artista si Allen ay itinuloy niya ang relasyon kay Crystle.

Kuwento niya, “So noong nag-showbiz ako, kami na. So kahit na nagkakaroon ako ng mga gusto kong ligawan pero alam mo 'yun meron nang laman sa puso ko kung baga ito na 'yung papakasalan ko.”

Tanong naman ni Boy kay Allen, “Kahit kailan hindi kayo naghiwalay? Hindi kayo nag-away?”

“Nag-away kami,” sagot ni Allen.

Dagdag pa niya, “Kasi siyempre marami rin tayong pagkakamali pero in-admit ko naman 'yung pagkakamali ko sa kaniya at never pumasok sa isip ko na makipaghiwalay dahil mahal ko 'to at kailangan kong kung baga bawiin ko 'yung mga pagkakamali ko.

“Besides, may mga anak kami so ayokong maging broken family.”

Pag-uusisa pa ni Boy, “Noong pumasok ka sa showbiz and kayo na, naligaw ka rin ng landas in the context of relationship?”

Inamin naman ng aktor na “naligaw” din siya noon pero pinilit niyang isalba ang relasyon nilang mag-asawa.

“Oo naligaw din ako pero hindi ako pinanghinaan ng loob and 'yung temptation na-control ko and kailangan kong i-save 'yung relationship namin dahil walang makaka-save nito kung 'di ako at siya rin,” ani Allen.

Kasalukuyan namang napapanood ngayon si Allen sa highly rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.