TV

Alden Richards, Piolo Pascual, Amy Austria, top picks ni Gina Alajar para sa kanyang 'last project'

Ibinahagi ng premyadong aktres at direktor na si Gina Alajar sa Fast Talk with Boy Abunda ang limang artista na kanyang kukunin upang bumida sa kaniyang magiging last project.

Masaya ang naging guesting ni Gina sa nasabing programa kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.


Bukod sa acting 101, isang siksik na usapan din ang pinagsaluhan nila ni Boy tungkol sa kaniyang buhay bilang ina, lola, aktres, at direktor.

Kaugnay nito, tinanong ni Boy si Gina, “Ito ay hypothetical lang either movie or teleserye. If you were to do your last project and you were to cast five actor, limang artista. Sino sila at bakit?”

Agad naman itong sinagot ni Gina. Aniya, “Piolo Pascual, Amy Austria, Alden Richards, Ryan Eigenmann…'yung dalawa kong anak, Ryan and Geoff Eigenmann.”

Ayon kay Gina, idol niya ang kapwa batikang aktres na si Amy kung kaya't isa ito sa pipiliin niyang makasama sa kaniyang proyekto.

Aniya, “Idolo ko 'yan e. Lagi ko sinasabi kahit dine-direct ko siya in the past teleseryes that we did that she is my lucky charm. Madali siyang katrabaho, madali siyang kausap, very generous, at hindi siya nagmamagaling and masaya siya kasama.”

Paliwanag naman ni Gina tungkol kay Piolo, “Si Piolo, ako 'yung unang-unang nag-workshop sa kanya when mag-aartista pa lang siya sa Lagarista and doon pa lang alam ko na na magaling siyang artista.”

Dagdag pa niya, “Recently we saw each other again and nag-usap kami at maganda 'yung naging pag-uusap namin and mas lalo akong humanga dahil mahal niya ang Panginoon. He's a Born Again Christian and he's very grateful with what God has given him.”

Pagdating naman kay Alden, inamin ni Gina na talagang may lugar sa kanyang puso para sa Kapuso actor.

“Si Alden… I don't know. I just have a soft spot for him,” ani Gina.

Gusto rin ni Gina na makasama ang kanyang mga anak na sina Ryan at Geoff Eigenmann kung sakaling gawin niya na ang kanyang last project.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.