GMA Logo Pooh and Donita Nose
What's on TV

Pooh, mamahaling sasakyan ang regalo sa kasintahan; Donita Nose, ganda lang ang puhunan?

By Jimboy Napoles
Published November 17, 2023 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Pooh and Donita Nose


Paano ba magmahal sina Pooh at Donita Nose?

Napuno ng good vibes ang episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwbes, Nobyembre 16, kasama ang dalawang TV host-comedian na sina Pooh at Donita Nose.

Sa panayam ni Boy Abunda sa dalawa, tinanong niya ang mga ito kung paano magmahal ang mga komedyante.

Unang sumagot si Pooh. Aniya, “Ako wala, e, parang ang bilis lang. Wala ako doon sa pattern na ito ang dapat o ito ang ganito. Nangyayari ang nangyayari. Minsan may ibibigay ako agad, minsan maisipan ko gagawin ko ito para sa kanya.”

Kuwento pa ni Pooh, naranasan niyang magbigay ng mga mamahaling regalo sa kanyang kasintahan.

“Nakapagbigay ako ng mahal na relos, mahal na sasakyan, mahal ko siya, e,” kinikilig na sinabi ng comedian.

Hirit naman ni Donita, “Tito Boy, iki-clear ko lang, ha, kasi kung siya nagbibigay ng mahal na relos, mahal na sasakyan kasi dahil siguro yun sa personality minsan. Kasi minsan kapag maganda ka, may discount talaga.”

“So ano ba 'yung sinasabi mo doon sa discount?” tanong ni Boy.

“Na hindi talaga siya [Pooh] maganda,” natatawang sinabi ni Donita.

Paglilinaw niya, “Hindi. Sabi nga nila, 'pag nagmahal ka naman talaga walang measurement 'yun. Kung ano 'yung ibibigay mo, kung ano 'yung nasa puso mo, kaya mong ibigay, go ahead, basta sa ikakasaya ng mahal mo. So, definitely 'yun lang.”

Kuwento pa ni Donita, idinadaan niya sa mga biro ang pagpapasaya sa kanyang karelasyon.

Aniya, “Ako kapag nagmahal, I don't want dull moments kapag magkasama kami. So, gusto ko pinapasaya ko siya, pinapatawa ko siya. So, doon pa lang happy points na 'yun for me and sa kanya kasi hindi 'yun nagagawa ng ibang tao e. So bilang komedyante, edge na namin 'yun sa iba.”

RELATED GALLERY: Mamahaling regalo ng mga artista

Samantala, aminado rin sina Pooh at Donita na all-out din silang magpasaya ng kanilang pamilya.

“Kung ano 'yung kaya kong maibigay para sa kanila ibibigay ko. Hanggang sa minsan wala ka na, pero kailangan okay sila,” ani Pooh.

Dagdag naman ni Donita, “Kami namang mga bading mas una naman usually ang family bago minsan ang boyfriend, o bago ang ibang tao. Kasi, gusto namin nakikita na kung masaya kami dapat mas masaya sila.”

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.