
Diretsahang sinagot ng aktor na si Derrick Monasterio ang tanong ni Boy Abunda tungkol sa kanyang tunay na kasarian.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, January 2, 2024, sumalang sa “Fast Talk” si Derrick kasama ang kanyang girlfriend na si Elle Villanueva upang i-promote ang kanilang bagong serye na Makiling.
Sa kanilang panayam, marespetong tinanong ng batikang TV host ang aktor tungkol sa mga matagal nang ispekulasyon sa kanyang kasarian.
“I'd like to ask this with respect…First, I'd like to be able to ask you this, I mean in the context of malinis lamang itong speculation because there is nothing wrong with being gay. Yes or No. Are you gay?” tanong ni Boy kay Derrick.
“No,” mabilis na sagot ng aktor.
Matapos ito, tinanong ni Boy si Derrick kung bothered ba siya sa isyung ito.
Tugon ni Derrick, “Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla e, wala namang masama doon. 'Di naman siya nakakaasar.”
Dagdag pa niya, “Siguro kailangan mas maging open-minded na ang mga tao ngayon Tito Boy. Hindi okay kapag gagamitin mong pang-asar ang pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit kasi there's no such things e, illusion lang siya.”
Natuwa naman si Boy sa naging sagot ni Derrick. Aniya, “You have my respect. Salamat, for saying that.”
Samantala, mapapanood naman si Derrick at si Elle sa bagog GMA Afternoon Prime series na Makiling, simula sa January 8.
Makakasama nila rito sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez.
RELATED GALLERY: LOOK: Derrick Monasterio's road to being a weightlifting king