GMA Logo elle villanueva and derrick monasterio
What's on TV

Elle Villanueva, naka-unli buhat kay Derrick Monasterio?

By Jimboy Napoles
Published December 1, 2023 7:12 PM PHT
Updated December 14, 2023 12:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva and derrick monasterio


May bagong ikaka-”Sana all” ang mga sawi sa ka-sweetan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Nakapag-subscribe yata ng unli karga ang aktres na si Elle Villanueva sa kanyang boyfriend at Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio.

Sa set kasi ng kanilang pagbibidahang series na Makiling, kinakailangan pang tumawid sa ilog para makapunta sa susunod na location ng kanilang taping.

Para hindi mahirapan si Elle, todo ang pag-alalay at karga ni Derrick sa girlfriend. Na-video-han pa ng isang fan ang pagkarga ni aktor kay Elle huwag lang itong mahirapang bumaba sa mataas na bahagi ng ilog.

RELATED GALLERY: The sweetest moments of Derrick Monasterio and Elle Villanueva

Ang naturang fan, hindi kinaya ang inggit kay Elle at napa-”Sana all” pa na maririnig sa video.

Pero hindi lang karga ang ginagawa ni Derrick kay Elle dahil lagi rin siyang nakabantay at to the rescue sa tuwing sasalang sa mabibigat na eksena ang dalagang aktres.

Sa isang interview, sinabi ni Derrick na gusto niyang masigurado na lagi siyang nasa tabi ni Elle sa tuwing kakailanganin siya nito.

Aniya, “When it comes to Elle, I always make sure na mararamdaman niyang nandoon ako everytime she needs me. Ayokong mapi-feel nya na nag-iisa siya or wala siyang kakampi, or wala 'yung taong aalalay sa kanya.”

Talagang feel na feel naman umano ni Elle ang pagiging maalaga sa kanya ni Derrick at very thankful siya rito.

“Derrick never fails to care and appreciate me kaya talagang very thankful ako na kasama

ko siya sa big project na ito. Super supportive and loving niya, at hindi siya natatakot i-express

ito kahit sa set namin sa Makiling,” sey ni Elle.

Abangan sina Derrick at Elle sa unang pasabog ng GMA Public Affairs sa 2024 at tiyak kahuhumalingang mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime, ang Makiling.

Para sa iba pang showbiz updates, bistahin ang GMANetwork.com.