GMA Logo elle villanueva and derrick monasterio
What's on TV

Elle Villanueva, nagsinungaling sa kanyang ina tungkol sa kasarian ni Derrick Monasterio

By Jimboy Napoles
Published January 2, 2024 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva and derrick monasterio


Elle Villanueva, tungkol kay Derrick Monasterio: “Nu'ng first project pa lang namin iniisip ko, 'Gay ba talaga siya?'”

Game na ikinuwento ng aktres na si Elle Villanueva kung paano siya unang nag-react sa mga ispekulasyon tungkol sa kasarian ng hunk actor at kanyang boyfriend na si Derrick Monasterio.

Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, January 2, 2024, sumalang sa “Fast Talk” si Elle, kasama si Derrick, upang i-promote ang kanilang bagong serye na Makiling.

Dito, nilinaw ni Derrick kay Boy Abunda na isa siyang straight at walang katotohanan ang matagal nang gay rumors na idinidikit sa kanya.

Ayon pa sa 28-year-old actor, “Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla, e, wala namang masama doon. 'Di naman siya nakakaasar.”

Matapos ito, hiningan naman ng reaksyon ni Boy si Elle tungkol dito.

Ayon kay Elle, aware siya sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanyang nobyo noon, kaya naman kinilatis niya rin ito nang magkasama sila sa isang proyekto. Una silang nagkatambal sa GMA Afternoon Prime series na Return to Paradise noong 2022.

Sabi ng 27-year-old actress, “Alam mo, Tito Boy, ang funny nga kasi naririnig ko na po 'yan, e. So, nung first project pa lang namin iniisip ko, 'Gay ba talaga siya?' Kasi, 'yun 'yung sinasabi ng lahat.

Pero mismong si Elle na ang nag-confirm na lalaki talaga ang nobyo, base na rin sa matagal nilang pagsasama.

Patuloy niya, “Then, I realized na parang lumaki lang siya sa industry na kasama puro gay. So, parang nasanay lang siya sa pananalita niya, sa actions niya na ganun.”

Natatawang kuwento pa ng aktres, ipinakilala rin niya umano noon si Derrick sa kanyang ina bilang isang bakla upang payagan siyang umalis kasama ang aktor.

“Then, there comes a time na…only child po kasi ako so strict ang mommy ko. So, para payagan ako na kasama si Derrick, sinabi ko kay Mommy, 'Mommy, bakla siya. You don't have to worry.' Sorry, Mommy, if you're watching. Pero ngayon alam na po niya. So, nagulat na lang po siya, 'Ay sinusundo si Elle sa Baguio. Bakla? Pa'no nangyari 'yun?” masayang kuwento ng aktres.

Dagdag pa ni Derrick, “Kaya hindi ko alam kung ano ang ia-act ko nung na-meet ko 'yung mom niya. Dapat ba malambot? Dapat ba medyo nakaganyan?”

Samantala, mapapanood naman si Elle at Derrick sa bagong GMA Afternoon Prime series na Makiling, simula sa January 8.

Makakasama nila rito sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez.

RELATED GALLERY: Derrick Monasterio and Elle Villanueva celebrate their newest achievement in style