GMA Logo Pops Fernandez and Sharon Cuneta rivalry
What's on TV

Pops Fernandez at Sharon Cuneta naging magkakompitensiya noon?

By Jimboy Napoles
Published January 13, 2024 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Pops Fernandez and Sharon Cuneta rivalry


Alamin ang paglilinaw ni Pops Fernandez tungkol sa kanila ni Sharon Cuneta rito:

Bago ang kanyang pagbabalik-concert stage ngayong taon, bumisita muna sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, ang tinaguriang Concert Queen na si Pops Fernandez.

Sa panayam kay Pops ng batikang TV host na si Boy Abunda, napag-usapan nila ang pagiging matagumpay na singer-performer ng una.

Dito ay inalala ng dalawa ang naging concert ni Pops noong 1985 na “Always, Pops,” na ginanap sa Rizal Football Stadium na pinuntahan ng nasa isang daang libong katao.

Matapos ito, tinanong ni Boy si Pops Fernandez tungkol kay Sharon Cuneta na isa ring sikat at matagumpay na singer-actress kasabay niya.

“Were you ever rivals with Sharon?” tanong ni Boy.

“Ako, hindi,” agad naman na sagot ni Pops.

Paliwanag pa niya, “I know that the people pitted us against each other… and of course, we had the same manager discoverer, si Ninong Tito, 'no?”

Hindi naman na inusisa pa ni Boy ang naging sagot ng Concert Queen.

Samantala, sa darating na Pebrero 2024, balik-live stage na si Pops Fernandez sa kanyang “Always Loved” concert tampok ang kanyang mga bagong awitin.

RELATED GALLERY: Pops Fernandez, handa nang maging "Lolly Pops" sa unang apo