
Sa episode ng Fast with Boy Abunda nitong Martes, February 6, kinumpirma ng King of Talk ang hiwalayan nina Bea Alonzo at ang kaniyang partner na si Dominic Roque.
"Tama si Ogie Diaz ho sa kaniyang balita na hiwalay na. As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at saka si Bea," pagbabalita ni Boy Abunda.
Ayon sa mga "good source" ni Tito Boy, sinubukan ng dalawa mag-usap muna at magka-intindihan para ayusin ang kanilang relasyon.
Ngunit ayon din sa narinig ng host, umabot na ang sitwasyon sa pagsauli ni Bea ang kaniyang engagement ring kay Dominic.
"I think, kung tama ang aking source, Bea, isinauli na ang engagement ring but are they hoping [na maayos ang relasyon] ako ang hula ko is yes. Kasi you don't say 'tomorrow, I'm going to stop loving,'" sabi ni Boy Abunda.
Hindi pa masabi ni Tito Boy kung magbabalikan pa ba ang dalawa. Basta ang kaniyang hiling ay maging maayos na ang kanilang sitwasyon.
"Magkakabalikan ba ito? Magtatagumpay ba sa panunuyo si Dominic or sila ni Bea, we don't know. Wala hong makakasagot ng katanungan na 'yun. But of course, my prayer is that may God grant them what is best for them," sabi ni Tito Boy.
Kasalukuyang kumalat na ang balita ng hiwalayan nina Bea at Dominic at spekulasyon ng ilang mga netizens ay dahil ayaw pumirma ni Dominic ng pre-nup agreement.
Pero ayon kay Tito Boy, hindi iyon ang alam niyang dahilan ng kanilang hiwalayan ngunit dagdag rin niya, “unless nabago po 'yung kuwento.”
IN PHOTOS: Bea Alonzo and Dominic Roque's relationship timeline