GMA Logo Kris Aquino, Boy Abunda
What's on TV

Kris Aquino, may request kay Boy Abunda: 'I'm entrusting Bimb with you'

By Jimboy Napoles
Published February 15, 2024 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA thinking anti-tanking, considers setting lottery order March 1 — report
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino, Boy Abunda


Inilahad ni Kris Aquino kay Boy Abunda na mas malubha na ang lagay ng kanyang kalusugan ngayon.

Magkakahalong emosyon ang naramdaman sa interview ni Boy Abunda sa kanyang kaibigan at dating TV host na si Kris Aquino sa Valentine's Day episode ng Fast Talk with Boy Abunda kahapon.

Live via Zoom, nakausap ni Boy si Kris na kasalukuyang nasa California. Matatandaan na simula 2022 ay nasa Amerika na si Kris dahil sa kaniyang pagpapagamot matapos siyang ma-diagnose ng rare autoimmune disease na sinundan pa ng iba't ibang sakit.

Sa kanilang interview, inilahad ni Kris na mas lumulubha na ang lagay ng kaniyang kalusugan.

Kuwento ng dating TV host, nagkaroon na siya cardiomyopathy kung saan hirap nang mag-pump ng dugo ang kanyang heart muscles dahil sa pamamaga. Kung hindi ito maaagapan ay maaari raw mauwi ito sa cardiac arrest.

Aniya, “Our heart is surrounded by muscles para maprotektahan ang puso. 'Yung muscles na 'yun na surrounding my heart, magang-maga sila.”

Paglalahad ni Kris, sa susunod na linggo ay may susubukang gamot para gamutin ang pamamaga ng kaniyang puso pero aminado siya na magiging delikado ito.

“On Monday, papasok ako sa hospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart because kung hindi ito tumalab Boy, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in puwedeng if I sleep, or kung ano man ang ginagawa ko, puwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso.

“So, may gamot na susubukan but there's a very big risk involved with that medicine because hindi binibigay ang gamot na ito nang hindi ka muna binibigyan ng steroids. You need it para hindi ka magkaroon ng anaphylactic shock. On Monday magbe-baby dose muna ako, titingnan nila kung kakayanin ko.”

Dagdag pa niya, “After Monday, wala na akong immunity. Puwede na akong dapuan ng iba't ibang sakit. Wala na akong panlaban doon.”

Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Kris para tuluyan siyang gumaling. Bukod sa dasal, ang nagbibigay lakas at inspirasyon sa kanya ngayon ay ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Nangako rin umano si Kris kay Bimby na gagawin niya ang lahat para mabuhay upang maalagaan pa ang anak.

Aniya, “Bimb is only sixteen. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything, lahat gagawin ko [para mabuhay]. Kasi hindi naman sikreto sa mga tao na ang kuya niya falls under the autism spectrum. Ako mismo, ako lang ang nagpalaki doon sa dalawa. Kailangan pa nila ako.”

Nagpasalamat din si Kris sa tulong na ginagawa ni Boy para sa kanila. Kung ano man umano ang mangyari ay ipinagkakatiwala niya si Bimby sa kaibigang si Boy.

“I want to take this opportunity Boy na magpasalamat sa'yo because nangako ka sakin…kung ano man ang mangyayari meron akong dalawang kaibigan na lilipad dito para samahan 'yung two boys.

“You also promised me, sorry doon sa show mo pero you said na kung may mabalitaan ka sasakay ka agad ng eroplano to be here with me. I love you so much and I'm entrusting Bimb with you,” ani Kris.

Biro naman ni Kris kay Boy, “Congratulations sa bago mong kontrata. Kasi siguro magse-share ka na sa medical bills ko. Dont' laugh that's your gift. I saw the contract signing kaya sa'yo na ako mangongomisyon.”

Muli namang humihiling ng dasal si Kris para sa lahat upang makayanan niya ang lahat ng medical procedures na gagawin sa kaniya.

Aniya, “Ngayon ako hihingi ng [dasal] talaga. I'm sorry kung parang ang kapal ng mukha ko, ang tagal n'yo na akong pinagdarasal pero I really need it now.”

Para kay Kris, hiram na lamang ang buhay na meron siya ngayon pero handa siyang lumaban upang ipagpatuloy ito.

“I've always been very, very upfront and honest at hinarap ko na 'to because alam ko na bawat araw, especially now na birthday ko pa, pahiram na lang 'to ng Diyos. Binigyan na lang ako ng bonus.

“So, whatever days are left, kung ano man ang natitira, it's a blessing. But, I really want to stay alive. I mean sino ba naman ang sasabihin na handa na akong mamatay.”

“I refuse to die, my next chapter is to be a stage mother,” masayang sinabi ni Kris.

“Mangyayari yan,” pag-sangayon naman ni Boy sa sinabi ng kaibigan.

RELATED GALLERY: A timeline of Kris Aquino's health scares

Noong 2017 unang ibinahagi ni Kris ang mabilis na pagbaba ng kaniyang timbang. Matapos ang sunod-sunod na medical tests, napag-alaman na si Kris ay mayroong rare autoimmune disease.

Simula 2022, namalagi na sa Amerika si Kris para sa kaniyang pagpapagamot. Sa social media naman ibinabahagi ni Kris ang mga update tungkol sa kaniyang health condition.

Oktubre 2023 naman nang bumisita si Boy kay Kris sa California upang kumustahin ang lagay ng kaibigan. Ito ang nagsilbing reunion ng dalawa matapos hindi magkita ng maraming taon.