TV

Thea Tolentino, pinanggigilan ng lola; naranasang makurot sa braso

By Jimboy Napoles

Wala na raw nagawa si Thea Tolentino nang kurutin siya sa braso ng isang lola dahil sa gigil sa kanya bilang isang kontrabida.

Ito ang nakatutuwang kuwento ni Thea nang mag-guest siya muli sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang kaniyang co-star sa Makiling na si Jay Arcilla.

Isa si Thea sa mga pinakamahusay na kontrabida actress ng kanyang henerasyon, kaya naman tinanong siya ni Boy Abunda kung naranasan niya na bang masaktan off cam dahil sa kanyang mga role.

“Kadalasan po mga lola, nanggigigil po sila,” natatawang sagot ni Thea.

Kuwento niya, “Naalala ko noon parang nasa gas station, restaurant [ako]. Tapos, may lola na lumapit [sinabi], 'Ito 'to! Nakakagigil ka,' tapos kinurot niya ako dito [sa braso]. Wala na akong magawa.”

Ayon naman sa aktres, naging outlet niya na ang pagiging kontrabida upang mailabas ang mga emosyon na hindi niya nailalabas sa totoong buhay.

Aniya, “Para sa akin po parang, second nature. Naging outlet ko ang pagiging kontrabida. 'Yung mga emotions na naipon, kasi aminin natin may mga times sa life natin na meron tayong mga emotions na hindi nailalabas. So, dahil sa mga eksena at roles na nakukuha ko, doon ko nailalabas 'yung mga emotions without hurting anyone.”

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?

Pero sino naman kaya ang kontrabida ni Thea sa totoong buhay? Ito ang naging sagot ng aktres, “Wala po. More on, sarili ko 'yung kontrabida.”

Paliwanag niya, “Kasi talagang nagsimula po ako sa show business na hindi naniniwala sa sarili. So, noong lumaban po ako sa Protégé season two, kasi, siyempre contestant kailangan competitive ka. Usually, ang nangyayari sa contest you compare yourself to others or nakikipag-compete ka sa ibang tao. Noong time na 'yun, I was just competing with myself.”

Sa ngayon, napapanood si Thea bilang si Rose Lirio sa hit GMA Afternoon Prime series na Makiling. Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.