
Inamin ni Rabiya Mateo sa Fast Talk with Boy Abunda na minsan na siyang naapektuhan sa mga kuwento at opinyon ng iba tungkol sa kanyang boyfriend at aktor na si Jeric Gonzales.
Sa nasabing talk show ni Boy Abunda, game na sumalang sa interview si Rabiya kasama ang co-star niya sa Makiling at kapwa Sparkle 10 na si Elle Villanueva.
Bukod sa kanilang career, napag-usapan din ang kani-kanilang buhay pag-ibig.
Kuwento ni Rabiya, nahirapan din siya noong una sa relasyon nila ni Jeric dahil sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa aktor.
Aniya, “First time kong mag-date ng celebrity and minsan kapag celebrity din 'yung dine-date mo ang daming opinyon, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it.
“Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba 'yung sinasabi ni Jeric o 'yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba e.”
Pero sa kabila ng maraming bulong sa kanya, mas pinili raw ni Rabiya na paniwalaan ang nobyo.
“Kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa akin Tito Boy at pinaramdam niya 'yun sa'kin.”
Dagdag pa niya, “I'm sure marami rin sinasabi ang mga tao about me kay Jeric.”
Natuto na rin daw si Rabiya na maging mas appreciative sa mga effort na ginagawa sa kanya ni Jeric upang mas maging matibay ang kanilang relasyon.
“Ako, aside from communication, siguro Tito Boy, kailangan mo rin… ako bilang babae I need to be appreciative ng efforts, kasi minsan 'yung mga lalaki marami na silang ginagawang effort, hindi lang natin napapakita na na-a-appreciate natin sila,” ani Rabiya.
Noong March 2022 nang kumpirmahin ni Rabiya ang relasyon nila ni Jeric. Ilang buwan matapos ito, napabalitang naghiwalay sina Rabiya at Jeric nang burahin ng una ang kanilang mga larawan sa Instagram.
Samantala, nilinaw naman ni Rabiya sa isang interview noong June 2023 na isang linggo lamang ang naging breakup nila ni Jeric at naayos din ito agad.
Sa ngayon, going strong ang relationship ng Kapuso couple. Sa katunayan, nagdiwang pa ng kanyang birthday si Rabiya kasama si Jeric sa Hong Kong at Macau noong November 2023.
RELATED GALLERY: LOOK: Jeric Gonzales and Rabiya Mateo's sweetest photos