GMA Logo janno gibbs
Sources: jannolategibbs (IG) tito.ron.Valdez (IG)
What's on TV

Janno Gibbs on wife Bing Loyzaga: 'We're in a good place now because of what happened to my dad'

By Kristian Eric Javier
Published May 3, 2024 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

janno gibbs


Sa pagbisita ni Janno Gibbs sa Fast Talk with Boy Abunda, kinamusta siya ng King of Talk kung naka-recover na siya sa pagkamatay ng kanyang amang si Ronaldo Valdez.

Hindi naging madali para sa singer at actor na si Janno Gibbs ang pagpanaw ng kaniyang ama at kapwa aktor na si Ronaldo Valdez. Ngunit ayon sa kaniya, nasa “good place” na sila ng asawa niyang si Bing Loyzaga dahil din dito.

Sa Friday, May 3 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Janno na madalas ay nakakalimutan pa rin niya na wala na ang kaniyang daddy.

Aniya, “I still miss him. I forget, I still forget, kelan pa lang naman e, so I forget. We would go to halimbawa may birthday kami, family birthday, naiisip ko, 'Ay makikita ko si- ay oo nga pala, wala.'”

Kinuwento rin niya na bilang bagong head of the family, kinailangan niyang maging matatag sa unang gabi ng lamay ni Ronaldo. Pero pag-amini niya, hindi na niya kinayang pumunta pa sa ikalawang gabi at sinabing tuluyan na siyang bumigay.

Samantala, aminado si Janno na nagkaroon sila ni Bing ng “rough patches,” ngunit nilinaw na hindi naman sila naghiwalay.

“We just have bad days, bad moments. We're in a good place now because of what happened to my dad,” sabi niya.

RELATED: Janno Gibbs and his closeness with his late dad Ronaldo Valdez

Ayon pa kay Janno, kasama niya si Bing noon nang makita nila ang huling sandali ng kaniyang daddy.

“Na-traumatize siya with what happened. Kasi wala na rin ang daddy niya e so daddy ko 'yung daddy na niya. 'Yun na lang ang tatay niya e,” sabi ni Janno.

Dagdag pa ng singer-actor, “Hindi ko siya pwedeng iwanan, hindi rin niya ako pwedeng iwanan mag-isa, so now we're in a good place.”

Pagpapatuloy ni Janno, “I think kami ang security blanket ng isa't-isa sa ngayon.”

Samantala, ikinuwento rin ni Janno ang experience niya nang i-direct niya ang kaniyang daddy sa huling pelikula nilang 'Itutumba Ka ng Tatay Ko.' Ayon sa aktor, iyon ang “most fun we've ever had.”

Ikinuwento rin niya ang isang memorable moment kung saan nagrewrite siya ng script para sa emotional banter scene nila ni Ronaldo. Ayon sa kaniya, pinadala niya ang script sa daddy niya para makapaghanda sila emotionally.

“Pagdating ko sa set, sabi ng daddy ko, 'Sinong magaling ang sumulat nito? Maganda a!' So ako naman, kilig na kilig naman ako,” ang nakangiting kwento ni Janno.