GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes denies having a child with Lindsay De Vera

By Jimboy Napoles
Published May 9, 2024 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tepid early turnout in Myanmar election as junta touts stability
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Nilinaw ni Dingdong Dantes ang isyu ng diumano ay pagkakaroon ng anak kay Lindsay De Vera.

“Wala po.”

Ito ang diretsahang sagot ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung nagkaroon ba sila ng anak ng aktres na si Lindsay De Vera.

Matatandaan na nagkatrabaho noon sina Dingdong at Lindsay sa seryeng Pari 'Koy (2015), at sa Alyas Robin Hood (2016) na sinasabi ng mga balita ay panahon kung saan nagkaroon ng relasyon at anak ang dalawa.

Taong 2021, pinabulaanan naman na ni Lindsay ang naturang isyu bilang respeto kay Dingdong at sa asawa nitong si Marian Rivera pero makalipas ang apat na taon, muling pumutok ang isyu ng 'di umano'y pagkakaroon nila ng anak ng aktor.

Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, May 9, nilinaw ni Dingdong na walang katotohanan ang mga balita tungkol sa kanila ni Lindsay.

Ayon kay Dingdong, pinili niya nang magsalita tungkol dito alang-alang sa kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Aniya, “Sa totoo lang nagdadalawang isip talaga ako kung may sasabihin ba ako on topic on the issue…pero may mga tumatawag na rin po kasi na mga kaibigan and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay e, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito para sa akin.

“I have a responsibility sa aking pamilya to clear things like this because I love my wife, I love my family very much, my kids, that's why I'm saying that it is not true.”

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang no'ng una pinagtatawanan talaga namin siya, kami ni Marian [Rivera] pinagtatawanan namin siya pero dumating na rin sa puntong marami na ang nagtatanong sa akin.”

Paglilinaw ni Dingdong, “Once and for all I'm clarifying na hindi siya totoo.”

Samantala, memorable naman ang araw na ito para kay Dingdong dahil bago siya sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda, ay muli muna siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network, na naging tahanan niya sa loob ng halos tatlong dekada na.

RELATED GALLERY: Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagbitaw ng pangako sa isa't isa