GMA Logo Paul Salas and Dingdong Dantes
Source: paulandre.salas (Instagram)
What's on TV

Paul Salas says his uncle Dingdong Dantes is strict when it comes to giving him advice

By Jimboy Napoles
Published August 24, 2024 10:10 AM PHT
Updated August 24, 2024 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas and Dingdong Dantes


Paul Salas on Dingdong Dantes: “He wants me to push and maging over pa sa limit ko.”

Inamin ng Kapuso actor na si Paul Salas na strikto pagdating sa pagbibigay ng payo ang tiyuhin niyang si Dingdong Dantes.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, game na sumalang sa interview si Paul kasama ang kaniyang co-actor sa Shining Inheritance na si Michael Sager.

Sa nasabing panayam, tinanong ni Boy Abunda si Paul tungkol sa relasyon nila ng kaniyang Tito Dingdong.

Kuwento ni Paul, “Si Tito Dong po, hard talaga mag-advise sa'kin e. He wants me to push and maging over pa sa limit ko.”

Ayon kay Paul, si Dingdong ang talagang nagtutulak sa kaniya na mas galingan pa sa pagiging aktor.

Aniya, “So I think, 'yung sabi niya 'yung pagtalon outside the box - acting, personal life, 'yung growth, siguro du'n daw talaga ako mag-focus at 'yung paggawa ng magandang materyal. So 'yun, medyo hard si Tito Dong sa'kin.”

Si Paul ay anak ng dating Universal Motion Dancer na si Jim Salas at Michelle Solinap, na pinsan ni Kapuso Primetime King Dingdong.

Mapapanood si Paul Salas sa Pinoy adaptation ng Korean series na Shining Inheritance. Makakasama niya rito sina Kate Valdez, Kyline Alcantara, at Michael Sager.

Kasalukuyan pa ring napapanood si Dingdong Dantes bilang game master ng weekday game show na Family Feud. Si Dingdong din ang magsisilbing host ng pinakabagong The Voice Kids sa GMA na mapapanood na sa Setyembre.

RELATED GALLERY: Pinoy celebrities you had no idea were related