GMA Logo Kyline Alcantara
PHOTO COURTESY: Shaira Luna
What's on TV

Kyline Alcantara, pinaghahandaan na ang kanyang birthday trip sa New York

By Dianne Mariano
Published August 29, 2024 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 7, 2025 [HD]
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Makakasama ng 'Shining Inheritance' star na si Kyline Alcantara ang kanyang ina sa upcoming birthday trip niya sa New York.

Ipagdiriwang ng Sparkle actress at Shining Inheritance star na si Kyline Alcantara ang kanyang 22nd birthday sa September 3.

Ayon sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, naghahanda na ang aktres para sa kanyang birthday trip sa New York kasama ang nanay niyang si Rowena Alcantara.

“'Yun naman po 'yung sinasabi ni mama, 'ayaw kong may birthday ka na wala ako doon.' At gusto ko ring pong makapag-bonding kay mama doon kasi para po siyang mother-and-daughter vacation na rin,” kuwento niya.

Inilahad din ng talented artist ang kanyang wish para sa nalalapit niyang kaarawan-ang success ng kanyang pagbibidahang serye na Shining Inheritance.

Aniya, “'Yun na nga po 'yung wish ko ngayong darating na birthday ko na sana po talaga ay maging successful po ang Shining Inheritance. Napakaganda po ng aming materyal, napakagaling ng aming director, of course, ang pagbabalik ni Tita Coney (Reyes). So it's really a special project for all of us.”

Sa panayam naman ng GMANetwork.com kay Kyline, ipinarating niya ang pagiging propesyonal ng kanyang co-stars at ang magandang samahan nila set.

“Everyone is really professional when it comes to our specific jobs, efficient, and walang halong showbiz, pero lahat talaga kami nagkakasundo, surprisingly, kasi halos lahat ng mga kasama ko po doon ay first time kong makasama.

“My relationship with them, very light, very warm kasi lahat kami alam namin kung ano 'yung trabaho namin. Alam namin kung kailan magka-cut doon sa roles na ginagawa namin, we know our lines, we're really professional,” pagbabahagi niya.

Abangan ang Shining Inheritance sa September 9 sa GMA.

SILIPIN ANG FIERCEST LOOKS NI KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO.