
Sa anim na Kapuso leading men na pagpipilian na gusto nilang maka-date, iisa ang napili ng Vivamax artists na sina Robb Guinto at Azi Acosta. Ito ay ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards.
Naglaro sina Robb at Azi ng “Pick and Talk” sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong October 3 kung saan mamimili sila mula sa isang pares ng Kapuso actors at sasabihin kung bakit nila napili ang mga ito.
Namili sila sa pagitan nina Miguel Tanfelix at Kelvin Miranda; David Licauco at Derrick Monasterio; at Alden Richards at Ruru Madrid.
Pagkatapos ng laro ay tinanong sila ng host na si Boy Abunda, “Sa anim na nakita nating mga photos, kung halimbawa one of them asks you for a date, sino ang nasa isipan n'yo at bakit?”
Ang sagot ng dalawa, “Alden Richards.”
Source: aldenrichards02/IG
Para kay Robb, gusto niyang maka-date si Alden dahil maaari siyang magtanong at humingi ng advice sa aktor tungkol sa pag-arte. Ang pagiging hardworking naman ang pumukaw ng atensyon ni Azi Acosta.
“Kasi 'di ba nag-start siya, naririnig ko pa 'yung mga interview niya dati na kasabay niya daw 'yung production pauwi ng service tapos now, sobrang yaman na niya, ganu'n, at pa-advice,” paliwanag ni Azi.
BALIKAN ANG ILAN SA HOTTEST PHOTOS NI ALDEN SA GALLERY NA ITO:
Dahil umano napag-uusapan na nila ang pera, tinanong na rin ni Boy ang dalawang aktres kung pag-ibig o yaman ang pipiliin nila.
Unang sumagot si Azi, “Pag-ibig. Kasi may pera naman ako, so ayun. Dapat 'yung mahal ko hindi dahil sa pera, ganu'n.”
Kabaligtaran naman ang sagot ni Robb na nagsabing pipiliin niya ang yaman. Paliwanag niya, hindi naman mabubuhay ang tao dahil lang sa pag-ibig.
“Kasi siyempre, well hindi ko naman masisisi 'yung mga pumapag-ibig kasi dumating din naman ako sa sitwasyon na 'yun. Pero siyempre, as independent, du'n ako sa yaman,” sabi ni Robb.