GMA Logo bea binene louise delos reyes barbie forteza
What's on TV

Bea Binene at Louise Delos Reyes, naiinggit ba sa success ni Barbie Forteza at iba pang mga kasabayang artista?

By Jansen Ramos
Published October 4, 2024 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

bea binene louise delos reyes barbie forteza


Nag-react sina Bea Binene at Louise Delos Reyes sa estado ng career ng mga kasabayan nilang artista na prime artists na ngayon ng GMA. Ang mga ito ay sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza.

Umingay ang mga pangalan ng mga dating GMA artists na sina Louise Delos Reyes at Bea Binene nang mapanood sa high-rating youth-oriented drama na Tween Hearts, na ipinalabas noong mula 2010 hanggang 2012.

Nakasama nila rito ang prime artists na ngayon ng Kapuso Network na sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza na may mga regular na project sa GMA.

Sa ngayon, steady ang acting career nina Bea at Louise habang may kaniya-kaniya silang commitment sa labas ng showbiz.

Sa guest appearance nina Louise at Bea sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong sila ng King of Talk kung nakaramdam sila ng inggit sa kanilang mga kasabayang artista dahil sa superstar status ng mga ito.

Mabilis na sagot ni Bea, "No ako, Tito Boy, I'm just proud of them lalo na si Barbie kasi we saw each other no'ng birthday ko last year so nag-catch up talaga. Ako, proud lang po talaga, we're really very proudest. Yun nga lang sinasabi ko, 'pahinga ka,' ganyan. 'Kaya mo ba?' kasi siyempre she's very busy but, all in all, I'm just very, very proud of her."

A post shared by Bea Binene (@beabinene)

Samantala, umingay ang loveteam nina Louise at Alden Richards noong kasagsagan ng kanilang pinagbidahang serye na Magkaibang Mundo noong 2016.

Noong panahong iyon pumutok ang AlDub o ang tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub, na ginampanan ni Maine Mendoza, sa "Kalye Serye" segment ng Eat Bulaga.

Ayon kay Louise, naapektuhan nito ang kanilang loveteam ni Alden.

May punto pa raw na namemersonal na ang ilang fans ng AlDub dahil dinadamay ang pamilya ng aktres kaya dinibdib niya ang mga negatibong komentong ibinabato sa kaniya.

Pero ngayon, nagbago na raw ang mindset ni Louise dahil naiintindihan na niya ang fandom culture.

Ani Louise, "Pero ngayon nasa posisyon na, especially, ako na better head space. Dati kasi iniisip mo, ano ba 'yan, laging dinadawit ako ganyan, parang lahat ng sabihin ko mali. Kasi ngayon, naiintindihan ko na where they (fans) are coming from so mas okay na 'ko ngayon in terms of handling those kinds of bashing."

Steady man ang kanilang career ngayon, thankful sila ni Bea na nagagawa nila nang malaya ang mga bagay na gusto nilang gawin sa labas ng showbiz bilang pandagdag kaalaman at income na rin.

Bahagi ni Bea, "I'm in the phase na I feel very blessed to have work and still be visible but alam ko po there's so much more out there. I still wanna do so many things, I want to study a lot of things because I just finished my culinary course and, during the pandemic, I did executive education courses with Harvard, with London Business School, Northwestern Kellogg. I even studied Korean and Mandarin."

Dagdag ng dating child star, "Andun po ako sa andami ko pang gustong mapuntahang bagay kasi sometimes when you grow in this world, you kind of think na this is just your world. So I'm in this space na I just know that there's so much more, there's so much to do outside showbiz like I have business and now we're setting up another business."

Sa ngayon, freelancer si Bea at mina-manage ng Viva Artists Agency. May regular namang trabaho si Louise bilang head pastry chef bukod sa pag-aartista.

Tampok ang dalawa sa Viva FIlms movie na Pasahero na ipapalabas sa October 30 sa SM Cinemas nationwide.

TINGNAN, LOUISE DELOS REYES AT BEA BINENE, NAGSISI BA NOONG UMALIS SA GMA?