GMA Logo Sanya Lopez
source: sanyalopez/IG, aldenrichards02/IG
What's on TV

Sanya Lopez hiyang-hiya kay Alden Richards sa kanilang intense kissing scenes

By Kristian Eric Javier
Published October 30, 2024 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Bakit hiyang-hiya si Sanya kay Alden sa kanilang eksenang magkasama? Alamin dito:

Isa sa mga hindi malilimutang eksena na napanood sa Pulang Araw ay ang intense kissing scene nina Sanya Lopez at Alden Richards na gumaganap bilang sina Teresita at Eduardo. Ayon sa aktres ay hiyang-hiya siya noon habang ginagawa nila ang eksena.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 29, inilarawan ni Sanya ang nasabing eksena nila ni Alden bilang “sobrang hot.” Kuwento pa niya ay dalawang beses nila kinunan ang nasabing eksena.

“'Yung una kasi nu'n, 'yung original, nakadamit kami, Tito Boy. Tapos parang sinabi nila na since nga po sa Netflix ito ilalabas naman, kumuha sila ng talagang topless. Topless kami pero may cover naman po kami. Because nag-go si Alden, nag-go din naman po ako that time,” kuwento ni Sanya.

Pagpapatuloy ng aktres, “Nu'ng time na 'yun, hiyang-hiya talaga ako nu'n kay Alden kaya ang ginawa ko du'n nu'ng time na 'yun, sabi ko sa kaniya, may shinare ako before na tinanong ko siya kung meron na ba siyang mga ganitong eksena na ginawa for us na maging comfortable sa isa't isa.”

BALIKAN ANG ILANG LARAWAN MULA SA 'PULANG ARAW' BAGO ANG GIYERA SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin naman ng First Lady of Primetime, sobrang kinabahan siya sa ginawa nilang eksena na hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin ang mga kamay niya kapag naaalala niya.

Ipinahayag rin ni Sanya kung gaano ka-professional si Alden dahil sa pangungumusta nito sa kaniya bago at pagkatapos nilang gawin ang eksena. “Tinatanong rin naman niya kasi ako kung okay ka lang tapos sabi ko sa kaniya, 'Okay lang. Okay ka lang?' 'Okay naman din.'”

At nang tanungin siya ni Boy Abunda kung kamusta humalik si Alden Richards, “Okay si Alden, Tito Boy. Tanungin po natin siya mamaya.”

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi sa GMA Prime.