GMA Logo Mikee Quntis and Paul Salas
Sources: mikee/IG
What's on TV

Mikee Quintos, sinagot kung sinong artista ang pinagselosan ni Paul Salas

By Kristian Eric Javier
Published November 8, 2024 10:46 AM PHT
Updated November 8, 2024 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO issues SCO against motorcycle rider for inappropriate behavior
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quntis and Paul Salas


Pag-amin ni Mikee Quintos, minsan nang pinagselosan ng boyfriend niyang si Paul Salas ang isa sa co-stars niya noon.

Inamin ng Lutong Bahay host na si Mikee Quintos na minsan nang pinagselosan ng kaniyang boyfriend na si Paul Salas ang isa sa kanilang co-stars sa The Lost Recipe.

Sa "Talk or Taste" challenge sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, November 7, ay napaamin si Mikee nang tanungin siya ng batikang host na si Boy Abunda kung meron na bang pinagselosan na aktor si Paul noon.

Source: iamkelvinmiranda/IG

“Edi 'yung [sinabi] n'yo po before this question,” ani Mikee na pinapatungkulan si Kelvin Miranda.

Mensahe naman ng actress-host kay Paul, “Sorry, babe. I love you. Don't be mad. Oh my gosh. Magagalit 'yon.”

BALIKAN ANG BEACH GETAWAY NINA MIKEE AT PAUL SA LA UNION SA GALLERY NA ITO:

Bago ang naturang tanong, sa parehong segment, ay tinanong ng batikang host kung nagkaroon ba siya ng feelings para kay Kelvin noong nagkatrabaho sila sa The Lost Recipe.

Sa "Lie Detector Challenge" vlog ni Widows' War star Bea Alonzo noong 2023, isa sa mga tanong kay Kelvin ay kung na-in love na ba siya sa isa sa mga naging leading lady niya. Deretsong sagot ng aktor, “Yes.”

Pero paglilinaw niya, “Hindi ko kasi alam kung nararamdaman ko siya sa reality, 'yung Kelvin, or fictional. Kasi 'pag nag-invest ka kasi into character, 'pag nag-build ka, magke-create ka talaga ng panibagong universe or panibagong reality na maniniwala 'yung tao.”

Nang tanunging ni Bea kung kanino siya na-in love, ang sagot ng aktor, “Na-feel ko 'yun nu'ng una kay Mikee Quintos.”

“Parang nagkaroon ako ng confusion that time na sinabi ko rin naman sa kaniya, pero ayoko kasi 'yung nasa work e.”