GMA Logo aiai delas alas
Source: msaiaidelasalas/IG
What's on TV

Aiai delas Alas, handa na bang magpatawad?

By Kristian Eric Javier
Published November 12, 2024 12:49 PM PHT
Updated November 14, 2024 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Matapos ang kanilang break up, handa nga bang patawarin ni Aiai delas Alas ang dating asawang si Gerald Sibayan?

Aminado si Aiai delas Alas na sobrang nasakatan siya sa paghihiwalay nila ng kaniyang asawa ng sampung taon na si Gerald Sibayan. Sabi ng tinguriang Comedy Concert Queen, kahit na gusto niyang maging masaya ang dating asawa ay hindi pa siya handang magpatawad ngayon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 11, kinumpirma ni Aiai na hiwalay na sila ni Gerald noong October 14 pa lang. Kuwento pa ng aktres, ay nakipaghiwalay ito sa chat. Nasa Pilipinas kasi ang Comedy Concert Queen noon, habang nasa Amerika naman si Gerald.

“Oo, Ama, hiwalay na kami. Nu'ng last month pa, October 14, nag-chat siya ta's madaling araw dito sa Pilipinas. Sinabi niya na gusto niyang magkaanak and hindi na siya happy,” pag-alala ni Aiai.

Nang tanungin siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung nakapagpatawad na ba siya, inamin ni Aiai na hindi pa sa ngayon, dahil pinoproseso pa niya ang mga nangyari.

“Madali kasi sabihin 'yung pagpapatawad, e, pero gusto ko, kung papatawarin ko siya, 'yung talagang buong-buo sa puso ko kasi ngayon, Ama, at this point, ano pa lang kasi ako e, nasa process ako ng pina-process ko pa 'yung lahat,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG ILANG CELEBRITY BREAK UPS NGAYONG 2024 SA GALLERY NA ITO:

Hindi pa rin umano handa si Aiai na makita nang personal si Gerald, ngunit naniniwala siyang mangyayari ito “In God's perfect time.”

Sa ngayon ay “sobrang lakas” umano si Aiai na magsimula uli, lalo na at alam niyang kailangan niyang buuin muli ang sarili. Unti-unti na rin siya umanong magmo-move forward, at gagawin ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon, katulad ng pag-travel.

Pagpapatuloy pa ng actress-comedienne, “Ifu-fulfill ko 'yung kung ano 'yung gusto ni Lord para sa akin. Tingin ko meron kasi siyang, sabi nga ni Father, 'Baka meron siyang ipapagawa sa'yo na kailangan single ka.'"

“And as long as nandiyan si Mama Mary at si Lord sa buhay ko na constant naman, na never in my life na iniwan ako ng Panginoon at ng Mahal na Ina, game ako, Ama (Boy),” pagpapatuloy ni Aiai.

Panoorin ang buong episode ng Fast Talk with Boy Abunda dito: