GMA Logo kim atienza
Source: OgieDiaz/YT
What's on TV

Kim Atienza, inilahad ang importansya ng anak sa isang relasyon

By Kristian Eric Javier
Published December 28, 2024 12:26 PM PHT
Updated December 29, 2024 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

13-anyos na nawala matapos maligo sa Baseco Beach, bangkay na nang matagpuan sa Navotas landfill
Graduate sang University of San Agustin, rank 1 sa Medical Technologist Licensure | Ratsada Balita
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

kim atienza


Alamin dito kung ano ang opinyon ni Kuya Kim Atienza sa importansya ng anak sa isang relationship:

Para kay Kuya Kim Atienza, napakahalaga sa isang relasyon ang magkaroon ng anak dahil, aniya, “love comes and goes” at ang anak madalas ang nakakakumbinsi sa partners na huwag maghiwalay.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, December 27, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang dahilan ng hiwalayan nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan. Isa sa mga dahilan ng huli ay ang kagustuhan niyang magkaanak.

Kaugnay nito, tinanong ni Boy ang Dami Mong Alam, Kuya Kim host: “Gaano ba kaimportante ang anak to keep a marriage?”

Aniya, “Napakahalaga para sa akin dahil love comes and goes, e. The feeling of love comes and goes and the time will come when one will stray and the relationship will be less than ideal. Pero kapag may anak, you are forced to make it work because marriage is commitment, marriage is a choice e.”

Pagpapatuloy pa ni Kuya Kim ay mas napapadali ng pagkakaroon ng anak para mag-stay sa relasyon ang couple dahil meron sila umanong pinanghahawakan at pinaglalaban.

“'Pag wala kang anak, 'pag umabot na sa punto na medyo malabo, bibigay. A lot of marriages stay intact because of the kids and then eventually, they fall in love again,” sabi ng batikang host.

Pag-amin ni Kuya Kim, ang ilang partners ay nasa isang relationship lang dahil may anak sila kahit hindi na nila mahal ang isa't isa. At kahit pa may ilang naghihiwalay nang tuluyan, may ilang nananatili sa relationship at kinalaunan ay muling na-i-in love sa isa't isa.

Dito, binalikan ni Boy ang madalas sabihin ng mga tao, “Some people would say, 'Don't stay in a relationship just because of the children.'”

Ngunit hindi umano naniniwala dito si Kuya Kim. Sa halip, para sa kaniya, dapat pang manatili ang isang mag-asawa sa kanilang relationship lalo na dahil sa kanilang anak.

“I believe that you should stay in the relationship for the children, and then, if you have to choose to love your wife or your husband even if it's difficult, then, choose to do so. Love is a choice, you can choose to love someone,” paglilinaw ng host.

Pagpapatuloy ni Kuya Kim, “Now, it's easier to choose to love someone who's beautiful inside and out, but it's really hard to love someone na medyo pangit ang ugali. But if you choose to love that person, then it will work.”

Tingnan ang masayang relasyon ni Kuya Kim at asawa niyang si Felicia: