
Napapa-hirit ang Bubble Gang star Buboy Villar na “I don't feel any pressure right now” dahil ka-tandem niya sa pinakabagong vodcast na hatid ng YouLOL Originals ang versatile comedienne na si Tuesday Vargas.
Sila Tuesday at Buboy ang mga binansagan “House of Honorables” ng YouLOL content na Your Honor na mai-stream n'yo simula December 7 sa oras na 7:15 p.m. sa Youtube, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Sa isang panayam kay Buboy, sinabi nito sa GMANetwork.com na nakaa-alis ng pressure para sa baguhan na tulad niya sa isang “vodcast” format ang presence ni Tuesday.
Aniya, “At siyempre sobrang saya rin makasama rin si Ate Tuesday, kumbaga hindi na ako na-pressure.
“Na-pressure ako para sa sarili ko, kasi hindi ko alam kung ano itatanong ko. Kasi ako, mahiyain ako talaga magtanong lalo na sa mga personal lives.
“Pero dahil andiyan din si Ate Tuesday, nakaka-banter din ako at sobrang saya.”
Unang sasabak para maging resource person 'in aid of chikahan' ang award-winning Barangay LS Forever host na si Papa Dudut.
Sasalang din sa makulit na cross examination nina Tuesday at Buboy sina Paolo Contis at showbiz couple na sina Aubrey Miles and Troy Montero sa Your Honor.
Kumusta ang experience na makapanayam ang mga sikat na personalidad na ito?
Lahad ni Buboy, “Sobrang saya lang ng experience, kasi, parang bilang first-timer ako na mag-vodcast noh, hindi ko namamalayan na 'yung oras na parang ganun na pala kahaba 'yung kuwentuhan namin.
“Minsan kung saan-saan umaabot 'yung kuwentuhan namin, pero ang pinakamaganda diyan is 'yung nakakatawang part dito, meron pa kaming napapasang batas.”
Huwag papahuli sa mga “LOL” sessions ng Your Honor simula December 7.
At puwede n'yo ma-stream ito every Saturday pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel. Available rin ang full episodes sa YouLOL, Spotify, at Apple Podcasts.
RELATED CONTENT: Tuesday Vargas and Buboy Villar show amazing chemistry during the 'Your Honor' pictorial