GMA Logo Boots Anson Roa Amy Perez Gloria Romero
What's on TV

Boots Anson-Roa, Amy Perez binalikan ang unang pagkikita nila ng yumaong aktres na si Gloria Romero

By Dianne Mariano
Published January 29, 2025 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Boots Anson Roa Amy Perez Gloria Romero


Ikinuwento nina Boots Anson-Roa at Amy Perez ang kanilang first meeting at most memorable experience kasama ang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Inalala ang tinaguriang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes (January 28).

Matatandaan na pumanaw ang veteran star noong January 25 sa edad sa 91.

Sa latest episode ng naturang programa, bumisita ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ng yumaong aktres na si Boots Anson-Roa at ang anak-anakan ni Gloria na si It's Showtime host Amy Perez.

Binalikan nina Boots at Amy ang kanilang first time na na-meet ang beteranang aktres. Ayon kay Boots, una niyang nasilayan si Gloria sa personal ay sa shooting ng Monghita, kung saan nakasama ng showbiz icon ang ama ni Boots na si Oscar Moreno.

Nang tanungin si Boots kung ano ang kaniyang reaksyon nang makita si Gloria, aniya, “Mesmerized. Hindi lang maganda pero makita mo na galing sa loob, galing sa loob. As within, so without.”

Kuwento naman ni Amy, una niyang nakilala si Gloria noong 1987 sa isang restaurant sa Greenhills para sa proyektong Palibhasa Lalake.

“When I saw her, medyo madilim ang Casa Marcos e, pero kita mo 'yung radiance ni Tita Glo. 'Yung liwanag at aliwalas ng mukha niya na wala kang ma-fi-feel sa kaniya na yabang na, 'Ako si Ms. Gloria Romero,' Wala siyang gano'n,” pagbabahagi niya.

Ikinuwento rin nina Boots at Amy ang kanilang memorable experience kasama si Gloria. Ibinahagi ni Boots ang isang commercial na ginawa nila ng yumaong aktres para sa isang wellness product.

Ayon kay Boots, napakapropesyonal ni Gloria sa kanilang trabaho at game ito gawin ang mga pose na itinuturo sa kanila.

“Walang reklamo kahit na puyat, wala. Wala talagang reklamo,” saad niya.

Binalikan naman ni Amy ang natutunan niya mula kay Gloria at ito ay ang pagbabasa at pagme-memorize ng script.

“Kapag kami lahat, may hawak pang script, Tito Boy. Babasahin namin 'yung mga linya namin, ganyan. Gloria Romero naka-ganyan lang tapos titingnan ka lang niya. Kapag narinig niyang nasabi mo na 'yung linya mo, na last line mo at magsasalita na siya, sasagot siya.

“Tapos minsan, hindi pa 'yan sasagot. 'Nakalimutan mo 'yung linya mo, iha. Ito 'yung sasabihin mo.' Alam niya,” kuwento niya.

Patuloy niya, “So ako talaga, 'yun ang unang-una na natutunan ko kay Tita Glo when it comes to taping, whether that's TV show na hosting or acting, is you really have to read your script and memorize it by heart.”

Napapanood si Amy Perez sa noontime variety show na It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

BALIKAN ANG MOST MEMORABLE KAPUSO SHOWS NI GLORIA ROMERO SA GALLERY NA ITO.