
Aminado ang Mommy Dearest star na si Katrina Halili na meron siyang kinimkim na sama ng loob sa kaniyang ina noon.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 25, ay kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon ni Katrina sa kaniyang ina.
Pag-amin ng aktres, “Nagsa-start po ako, hindi po kasi ako masyadong close sa mama ko before. Hindi ko lang naiintindihan dati pero wala akong sinasabing masama 'yung mama ko.”
Kuwento ni Katrina ay “tough love” ang binibigay ng mama nila sa kanilang magkapatid, at sinabing kapag may nagawa silang kasalanan ay papagalitan lang sila ng walang pag-uusap o paliwanag.
Ngunit para umano magkaayos silang muli, “Magluluto si mama. Mas more on gawa.”
Saad pa ni Katrina ay noong bata siya at nagkimkim siya ng sama ng loob sa kaniyang mama. Ngunit paglilinaw ng aktres, “Pero siyempre, nu'ng nanganak na'ko, Tito Boy, na-realize ko na may mga ganu'n naman pala talagang nanay. Magpo-provide lang ako, tapos pag-ano, sisitahin kita.”
“Pero 'yung mama ko, siguro 'yung kulang lang niya, 'yung affection. 'Yung usap, 'yung paliwanag,” sabi ni Katrina.
BALIKAN ANG MENSAHE NG ILANG CELEBRITIES NOONG NAKARAANG MOTHER'S DAY SA GALLERY NA ITO:
Kuwento pa ng Mommy Dearest star, hindi sila sweet sa isa't-isa ng kaniyang mama at sa katunayan, hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya magsabi ng “I love you” dito.
“Naiilang kasi hindi kami sanay. Hindi kami sinanay,” sabi ng aktres.
Kaya naman, kung ano man ang mga pagukulang ng mama nila sa kanilang magkakapatid, iyon ang ina-apply naman niya sa anak na si Katie.
“Sa anak ko, [sinasabihan] ko siya na sweet, clingy talaga ako kasi parang dati hindi ako ganu'n sa mama ko. Pero ngayon, okay na'ko, okay na kami,” sabi ni Katrina.
Nang hingan naman siya ni Boy ng mensahe para sa kaniyang mama, ang sabi ni Katrina, “Mama, hindi man tayo okay dati, pero wala akong sinabing masama ka talaga, 'wag kang magalit. Ako lang 'yun, hindi ko lang naiintindihan. Pero ngayon, siyempre alam ko na mahal mo talaga kami. Mahal mo kami ni kuya and thank you ako sa'yo dahil wala naman ako dito ngayon kung hindi dahil sa'yo.
Panoorin ang panayam kay Katrina rito: