
Usap-usapan ngayon ang nalalapit na pagpapalabas ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ang bagong proyektong pagsasamahan ng GMA at ABS-CBN.
Sa pagbisita ng Kapamilya star na si Heaven Peralejo sa Fast Talk with Boy Abunda, napag-usapan nila ni Tito Boy ang pagiging housemate noon ng una sa Pinoy Big Brother.
Sinagot ni Heaven ang tanong sa kaniya ng King of Talk kung ano ang nagustuhan niyang bagay o pangyayari na naranasan niya noon sa loob ng Bahay ni Kuya.
Ayon sa aktres, “Ang nagustuhan ko sa loob ng Bahay [ni Kuya] was actually meeting Marco [Gallo]. Naniniwala ako sa invisible string theory.”
“Imagine, nagkita kami when we were kids, [it] did not work out. I like him, he like me during that time pero bata pa masyado,” dagdag pa niya.
Pagpapatuloy niya, “After seven years, again, nagkita kami and look… So, nakakatuwa na pumasok ako sa Bahay [ni Kuya].”
Samantala, magsisimula nang ipalabas ang bagong season ng Pinoy Big Brother sa darating na March 9.
Mapapanood bilang hosts ng programa ang Kapuso at Kapamilya stars na sina Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros-Francisco, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at Mavy Legaspi.
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.