What's on TV

Maria Isabel Lopez, tinanggihan ang isang Lino Brocka film noon?

By Kristian Eric Javier
Published March 8, 2025 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Isabel Lopez turns down Lino Brocka film


Pinagsisisihan ba ni Maria Isabel Legazpi ang kanyang desisyon na tanggihan ang pagkakataon na bumida sa pelikula ni Lino Brocka?

Kilala bilang isa sa mga pinakamagagaling na direktor noon si Lino Brocka kaya naman, marami ang nagtaka nang tanggihan ni dating Binibining Pilipinas 1982 Maria Isabel Lopez ang pagkakataon na bumida sa isang pelikulang idinerehe niya.

Sa pagbisita ni Maria Isabel Lopez sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, March 7, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Isabel kung nagkaroon ba siya ng regrets bilang isang aktor. Sagot ng aktres, wala naman siya umanong kahit anong pagsisisi, maliban sa isa.

“Ang only regret ko nga siguro is I focused more on the money I make, on the talent fee, and not on who's the director,” sabi niya.

Dito, inalala niya ang pagkakataon na tinanggihan niya ang isang pelikula na idinerehe ng batikang direktor na si Lino Brocka.

“There was a time I turned down a Lino Brocka film dahil ang budget is so little. So 'yun siguro 'yung isa sa mga regrets ko,” sabi ni Isabel.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAUPO RIN SA DIRECTOR'S CHAIR SA GALLERY NA ITO:


Samantala, tinanong din ni Boy Abunda ang dating beauty queen kung ano-ano ang mga batas nito tungkol sa pagpapaganda. Ayon kay Isabel, isa na dito ay na hindi lang ito nakikita sa pisikal na kaanyuan.

“Hindi 'yung puro physical, hindi 'yung puro moisturizer, I would believe it's the breathing and the meditation,” sabi ni Isabel.

Sa katunayan, isa umano sa mga hinahanap niya noon sa kaniyang potential boyfriends ay intelekwal. Aniya, may mga nakaka-date siyang super gwapo na hunk, ngunit “there's nothing in the head naman.”

“Meron naman mga intelektwal. Ako, to me, the brain is a sexy thing for me so excited ako to meet men na matalino. Sabi ko nga sa'yo, you learn so much from them,” sabi niya.

RELATED CONTENT: Year-in-review: Philippine performance in 2024 international pageants