GMA Logo Kris Bernal, Aljur Abrenica movie
Source: krisbernal/IG, ajabrenica/IG
What's on TV

Kris Bernal, gustong muling makasama si Aljur Abrenica sa movie?

By Kristian Eric Javier
Published March 11, 2025 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Suspek sa paghagis ng granada sa Matalam, Cotabato, patay nang manlaban umano sa mga pulis
'Lantakâ' injures 6-year-old boy, 2 others in NegOr

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal, Aljur Abrenica movie


Gusto muling makasama ni Kris Bernal ang dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica sakaling magkaroon siya ng comeback movie.

Matapos ang mahigit dalawang taon ay nagbabalik na si Kris Bernal sa TV sa pagganap niya sa drama anthology show na Tadhana. At ngayong nakabalik na siya sa industriya, ang gusto niyang makasama muli sa isang pelikula, ang dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica.

Sa pagbisita ni Kris Bernal sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 10, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang panawagan umano noon ng aktres kay Aljur na makipag-collaborate sa isang vlog.

Ani Kris, hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ng aktor ang kaniyang panawagan.

“Pero may isang beses tinatawagan niya 'ko. Tapos ako naman ang hindi sumagot. Pero parang feel ko, nangangampanya ba siya? Tumatakbo ba siya ngayon? Tumatakbo yata siya, parag gusto niya ako yayain sa mga campaigns niya,” natatawang kwento ni Kris.

Dagdag pa ng aktres, “Sana magkaroon kami ng movie ulit, comeback.”

Tanong naman sa kaniya ng batikang host, “Halimbawa gagawa kayo ng pelikula ni Aljur, sino ang gusto mo kasama?”

Sagot ng aktres, “Gusto ko, maraming boys. Charot! Gusto ko nandiyan sina Enchong Dee, gusto ko 'yung mga Joseph Marco.”

At kung bibigyan naman niya ito ng title, “Sana Maulit Muli? Wow!”

BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI KRIS BERNAL THROUGH THE YEARS SA GALLERY NA ITO:

Sa ngayon, pag-amin ni Kris Bernal, tingin niya ay handa na siya muling gumawa ng teleserye matapos ang mahigit isang taon na ibinigay niya para sa anak nila ng asawang si Perry Choi.

“Talagang binigay ko 'yung buo ko so ngayon, parang gusto ko naman bigyan 'yung sarili ko. Kaya lang breastfeeding pa 'ko, hanggang ngayon. Siguro 'yun din 'yung one of the reasons kung bakit hindi ako makabalik agad, because I'm still breastfeeding,” sabi ng aktres.

“Pero okay lang ako, wala sa akin 'yun. Kung kailangan kong i-sacrifice 'yung career ko for breastfeeding, sige. Pero at least ngayon, somehow, I can say na nakabalik na 'ko. Or parang I'm back to my old self,” pagpapatuloy ni Kris.

Matatandaan na sumikat nang husto si Kris Bernal matapos makapareha bilang ka-loveteam si Aljur Abrenica. Bumida sila sa ilang teleserye sa TV, at sa pelikulang Nandito Ako... Nagmamahal Sa'Yo na ipinalabas noong 2019.