GMA Logo Rayver Cruz
What's on TV

Rayver Cruz, maraming beses nang umiyak dahil sa pag-ibig

By Kristian Eric Javier
Published March 19, 2025 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Umamin ang actor na si Rayver Cruz na minsan na rin siyang umiyak sa CR dahil sa pag-ibig.

Sa pagbisita nina Sinagtala stars Rayver Cruz at Matt Lozano sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 18, pinag-usapan nila ang kani-kanilang buhay pag-ibig.

Sabi ni Rayver sa naturang Afternoon Prime talk show, hindi naman niya itinatanggi na maraming beses na siyang umiyak dahil sa pag-ibig. Dagdag pa ng aktor, “minsan, sa CR pa nga e.”

“'Pag titingin ka sa salamin, tapos naalala mo 'yung sitwasyon, tapos maiiyak ka tapos makikita mo 'yung sarili mo na umiiyak,” sabi ni Rayver.

Pinag-usapan din nila ang pagiging “safe” sa isang relasyon. Tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Sa pag-ibig ba Rayver, okay ba na safe ka?”

Sagot ng actor-dancer, “Ako kasi, Tito Boy, well ngayon ko binabase kasi e, alam kong safe na safe 'yung puso ko and very well-loved by Miss Julie Anne San Jose.”

BALIKAN ANG PAGPUNTA NINA RAYVER AT JULIE SA AUSTRALIA AT KANILANG SWEET MOMENTS SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin din ni Rayver, hindi pa niya naranasan na umibig at naramdaman na hindi siya safe sa kaniyang relationship dahil bago pa man ito mangyari nagbibigay na siya ng effort para iparamdam na mahal niya ang kaniyang karelasyon.

Aniya, mas ipapakita niya ang kaniyang pagmamahal kapag nararamdaman na niya iyon.

“Kahit sino naman sa'tin, kapag na-inlove. For me kasi sobrang pag nagmahal ako, Tito Boy, alam mo naman, all out and kung ano man ang mangyari, kung ano man ang will ni Lord, ibig sabihin kung hindi man nag-work, nag-work, ibig sabihin, si Lord lahat 'yun,” sabi ni Rayver.

Unang nagkakilala sina Rayver at Julie noong lumipat ang aktor sa GMA Network noong 2018. Noong 2022 ay nagkaroon ng romance rumors sa pagitan ng dalawa nang magpalitan sila ng “I love you” sa “JulieVerse” concert.