GMA Logo Nikki Valdez and Bernadette Allyson
Source: FTWBA
What's on TV

Nikki Valdez at Bernadette Allyson, paano hinaharap ang mga pagsubok ng kani-kanilang pamilya?

By Kristian Eric Javier
Published March 25, 2025 5:18 PM PHT
Updated March 26, 2025 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan approves stem-cell treatment for Parkinson's in world first
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention
PropertyGuru Philippines Property Awards introduces new categories this year

Article Inside Page


Showbiz News

Nikki Valdez and Bernadette Allyson


Nikki Valdez at Bernadette Allyson ikinuwento ang mga naranasang pagsubok ng kani-kanilang pamilya.

Para kina Nikki Valdez at Bernadette Allyson, isang laban na hindi nila susukuan sa buhay ay ang pagtaguyod sa kanilang pamilya. Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 24, sinabi ng dalawang aktres na “hanggang dulo” ang magiging laban nila para sa pamilya, lalo na para sa mga anak.

Sa naturang Afternoon Prime talk show, inamin ni Nikki Valdez na nakaranas ng pambu-bully ang kaniyang anak na si Olivia. Para protektahan ay inilayo at inilipat na lang ng aktres ang kaniyang anak sa ibang eskwelahan.

“So as much as I'd want her to continue in that school, the moment na kinausap niya ako na sinabi na niyang hindi na niya kaya, du'n ako um-act na 'Okay, it's time for your well-being now,'” sabi ni Nikki.

Ayon sa aktres, may mga pinagawa sa kaniyang anak na hindi naman nito gustong gawin, ngunit napilitan para mag-fit in sa mga kaklase niya.

Nasa parehong sitwasyon din umano si Bernadette Allyson lalo na at tatlo ang babaeng anak niya kaya naman handa rin siyang lumaban sa oras na may manakit sa kaniyang pamilya. Aniya, handa siyang protektahan ang kaniyang mga anak, at maging ang asawang si Gary Estrada.

“Siyempre nandoon ako para protektahan, nandoon ako para ipaglaban. There was a time when Gary ran for public office, tumulong talaga ako nang todo doon because they have this notion na kapag artista, ganito. Hindi siya dapat nasa public office. May stereotype,” sabi ng aktres.

TINGNAN ANG MASASABI NINA NIKKI AT BERNADETTE TUNGKOL SA KANILANG CURRENT AND PAST RELATIONSHIPS SA GALLERY NA ITO:

Wika pa ni Bernadette ay naroon siya para ipagmalaki ang mga nagawa ng kaniyang asawa, patunay na nararapat ito sa posisyon na tinatakbuhan noon sa gobyerno.

“I really go out of my way to let the people know that this is my husband,” sabi niya.

Mapapanood ngayon sina Nikki at Bernadette sa action drama series na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prine.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin ang panayam kina NIkki at Bernadette dito: