GMA Logo Emilio Daez
Source: emiliobdaez (IG)
What's on TV

Emilio Daez, hindi inasahan ang eviction mula sa Bahay ni Kuya

By Kristian Eric Javier
Published April 30, 2025 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Emilio Daez


Confident si Emilio Daez na mananatili pa sila sa Bahay ni Kuya.

Magkaibang magkaiba ang reaksyon ng pinakahuling Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition duo evictee na sina Michael Sager at Emilio Daez, Kung ang isa, emosyonal, ang isa naman ay kalmado at chill lang.

Sa pagbisita ng dalawang former housemates sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 29, tinanong sila ni King of Talk Boy Abunda kung bakit ganun ang kanilang mga reaksyon.

Ani Michael, naramdaman niya umanong hindi na sila mananatili pa sa Bahay ni Kuya pagpasok nila ng eviction room. Dagdagan pa umano ng montage ng kanilang pananatili sa bahay, hindi na napigilan ng Kapuso actor na maging emosyonal.

“I had to accept it na rin, and seeing the montage made me cry, Tito Boy, because it's a journey and both of us were so dedicated to really make it to the big night. But in the 48 days that I spent, in a snap, we were gone na,” sabi ni Michael.

Ngunit si Emilio, cool at composed lang nang inanunsyo na sila ang latest evictees mula sa Bahay ni Kuya. Ayon sa Kapamilya actor, sinabi niya kay Kuya sa confession room na papasok at lalabas siya sa bahay nang nakangiti.

“Honestly, Tito Boy, I told Kuya in his confession room that I'm gonna enter his house, I was gonna enter his house with a smile on my face, I'm just gonna do my best, 100 percent in everything I do, and I guess I was smiling as I was looking at that video because I did do that, nagawa ko 'yun,” sabi ni Emilio.

Sobra-sobra rin ang pasasalamat ng aktor sa “unique experience” na makapasok sa bahay ni Kuya.

TINGNAN ANG PAGBIGAY NG PASASALAMAT NINA EMILIO AT MICHAEL SA KANILANG SUPPORTERS SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin pa ni Emilio, hindi man lang siya nagpaalam sa kanilang kapwa housemates bago pumasok sa eviction room dahil ganun siya ka-confident na babalik pa sila sa loob.

“Dumiretso po ako sa eviction room kasi ganun po ako ka-confident na babalik po kami. Pero pagpasok po namin ng eviction room, talagang ibang iba po 'yung na-feel ko dun,” sabi ng aktor.

Samantala, nanatili naman si Emilio bilang tunay na ka-duo ni Michael nang sabihin niyang hindi niya naisip na nadamay lang siya sa emosyon ng housemates sa Kapuso actor.

Aniya, “This is my duo and we're a team. And when you're a team, you accept anything that happens to your team 'cause he's my brother and whatever they say to him, they say to me."