GMA Logo Pooh Pokwang in Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Pooh, Pokwang share funny experiences working as comedians

By Kristian Eric Javier
Published May 22, 2025 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Pooh Pokwang in Fast Talk with Boy Abunda


Hindi na bago ang mga kakaibang pangyayari kina Pooh at Pokwang bilang mga komedyante.

Bilang mga komedyante, hindi na bago para kina Pooh at Pokwang ang mga nakakatawang pangyayari sa kanilang mga trabaho. Ngunit may ilang kaganapan na talagang tumatak sa kanilang dalawa.

Sa pagbisita nina Pooh at Pokwang sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 21, nagbahagi sila ng ilang karanasan nila bilang mga komedyante. Kuwento ng TiktoClock host, may pagkakataon na napipikon sa kanila ang ilang manonood at inaabangan sila sa labas ng comedy bar.

Ayon kay Pooh, “Hindi kayo magtatagumpay, sa loob kami natutulog. Sinasabi na lang namin (sa comedy bar).”

Dagdag pa ni Pokwang, “Magpapaumaga na lang kami.”

Sa isang pagkakataon naman, magkakasama umano sina Pooh, It's Showtime host VIce Ganda, at kapwa komedyante na si Kim Idol sa isang fiesta nang napansin niyang tila may lumipad na plastic na upuan o monoblock.

“'Ay parang namalikmata lang siguro ako.' Dalawa na. Ay tatlo na, 'Ay bakla, alis na tayo, baba na tayo.' Nagbabatuhan na pala ng monoblock. 'Yung nag-aaway. [Boy: Hindi kayo kasali?] Hindi, hindi,” sabi ni Pooh.

Dagdag pa ng komedyante ay tinanong pa niya ang mga kasamahan kung itutuloy pa ba ang kanilang pagtatanghal sa naturang fiesta.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA A-LIST ACTRESSES NA GRADUATE NA NG LONGEST-RUNNING COMEDY GAG SHOW NA 'BUBBLE GANG' SA GALLERY NA ITO:


Samantala, aminado naman si Pooh na talaga namang mahirap magpatawa, lalo na at kailangan nilang tapatan ang iba't ibang personalidad ng kanilang mga manonood.

“Lalo na kapag umakyat ka sa entablado, titingnan mo sila, tatantyahin mo sila, [Pokwang: Kung anong klaseng crowd.] Hindi mo alam, sa sampung nanonood, lima ang tatawa, lima ang hindi,” sabi ng naturang komedyante.

Sabi ni Pooh, isang paraan para mabalanse ang kanilang performance para mapasaya at mapatawa ang lahat ng kanilang manonood ay kailang i-mix ang kanilang scripts.