
Bawal ang malungkot ngayong Sabado ng gabi dahil makakasama ang versatile comedian na si Pooh sa Your Honor.
Pinatawag ng House of Honorables si Pooh para makipagchikahan tungkol sa session nila na “In Aid of Pasaway: Bakit Masarap ang Bawal?”
Sa video teaser ng episode ng Your Honor, tila may hugot si Pooh sa mga nakikita niyang sign sa kalsada na “Bawal ang magtapon ng basura.”
Lahad niya kina Tuesday Vargas at Buboy Villar, “Pero iniisip ko lang 'yung mga minsan 'yung mga bawal magtapon ng basura, parang sila lang ang may karapatan na maglagay ng bawal magtapon ng basura.
“Bawal umihi rito. Dapat tayo rin naman puwedeng halimbawa, maglagay sila diyan, magpaskil: Bawal umihi dito.”
Sabay hirit ng comedian, “Puwede ka magpaskil, saan puwede? Para alam mo 'yun 'di ba!”
Source: Your Honor
Tara at ating pag-usapan ang mga bawal sa Your Honor this coming April 5 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.