GMA Logo Kara David, Sandra Aguinaldo
What's on TV

Kara David, Sandra Aguinaldo pareho ng opinyon pagdating sa relasyon ng journalism at social media

By Kristian Eric Javier
Published May 27, 2025 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Kara David, Sandra Aguinaldo


Alamin kung ano para kina Kara David at Sandra Aguinaldo ang relasyon ng journalism at social media sa isa't isa.

Hindi maipagkakaila na naging malaki ang epekto ng social media pagdating sa pagsisiwalat ng balita. Ngunit para sa mga batikang broadcast-journalist na sina Kara David at Sandra Aguinaldo, ito ay isang bagong plataporma na kailangan gamitin para sa katotohanan.

Sa pagbisitia nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 26, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Kara at Sandra kung kamusta ang co-existence ng broadcast journalism at ng social media.

Pag-amin ni Kara, lahat sila sa mainstream o legacy media ay natakot sa pagpasok ng social media.

“Parang may mindset na 'Ah, mababaw lang 'yan, Tiktok lang 'yan.' Pero we realized na 'yung social media is just another platform for the truth. So bakit hindi rin natin i-pollute or pasukin din 'yung social media if it's another platform to reach your audience?” sabi ni Kara.

Dagdag pa ng batikang broadcaster at documentary host, isa sa mga tinuturo niya sa mga estudyante ng journalism ay kung papaano hindi kailangan magbago ang prinsipyo ng journalism kahit pa nagbago ka ng plataporma.

“Kung papaano mo ikinukwento ang katotohanan sa TV, sa radyo, sa dyaryo, ganu'n din dapat sa Tiktok, sa Instagram, sa Facebook,” sabi ni Kara.

Samantala, inamin naman ni Sandra na noong una ay sa Twitter (ngayon X) lang siya pumasok noon dahil mas news-oriented umano ito kesa sa ibang social media platforms.

“Nakita ko some sort of a resistance na rin na, 'Teka, maraming tao ang naniniwala sa Facebook, sa Tiktok.' Du'n sila kumukuha ng news. Kaya pumasok na rin ako du'n,” sabi niya.

Wika pa ni Sandra ay gusto niyang bigyan ng alternatibong source ng balita ang mga tao.

Aminado naman si Kara na isa mga advantage ng social media ay mas mabilis ito sa legacy media. Ngunit paalala niya, “Hindi ibig sabihin na porque mabilis ka, dapat hindi ka na mag-fact check.”

Dagdag naman ni Boy, “Hindi nangangahulugan na mabilis ka, totoo. Kaya dapat, mapanuri tayo bilang mga mamamayan dahil hindi nangangahulugan na nabasa mo ay totoo.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGBABALA TUNGKOL SA FAKE SOCIAL MEDIA PAGES SA GALLERY NA ITO: