GMA Logo Analyn Barro and Arra San Agustin and Juami Tiongson
Sources: arrasanagustin/IG, juamitiongson/IG
What's on TV

Analyn Barro, botong-boto kay Juami Tiongson para kay Arra San Agustin

By Kristian Eric Javier
Published June 11, 2025 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Analyn Barro and Arra San Agustin and Juami Tiongson


Botong-boto si Analyn Barro kay Juami Tiongson, para sa kaibigan niyang si Arra San Agustin. 'Super, super talaga.'

Botong-boto umano si Bubble Gang star Analyn Barro sa boyfriend ng kaibigan niyang si Arra San Agustin na si Juami Tiongson.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 10, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang sinabi ni Arra sa nakaraang pagbisita niya na nag-uusap na sila muli ng ex-boyfriend niya na si Juami.

Tanong ni Boy sa matalik na kaibigan nitong si Analyn, “Boto ka sa kaniya noon?”

Mabilis na sagot ni Analyn, “Super, super talaga.”

Dito, tinanong ng batikang host si Arra kung nagkabalikan na ba muli sila ni Juami, ngunit si Analyn ang sumagot, “Abangan natin 'yan sa pagbabalik ng…”

Ngunit sinegundahan naman ni Arra ang sinabi ng kaibigan, “I mean, wala naman dapat i-hide na, everything's out so yeah.”

Pagbabahagi ni Arra, nagsimula silang mag-hang out uli ni Juami noong nakaraang taon at simula noon ay naging sila na muli. Aniya, hindi na nila napag-usapan na magbalikan sila.

“Parang okay na, naging okay na kami, we're always together, and then we do stuff na for boyfriend and girlfriend like being sweet, something like that,” sabi ni Arra.

Sa katunayan, sa January episode ng Lutong Bahay pa lang, sinabi na ni Arra na nagkabalikan na sila ni Juami. Sa naturang episode, diretsa siyang tinanong ng host na si Mikee Quintos kung nagkabalikan na sila.

Dahil ayaw kumain ng burong sibuyas na parte ng laro nila sa show, sinagot ni Arra si Mikee, “Sige na nga, oo na nga.”

Noong December 26 episode ng Fast Talk with Boy Abunda unang ibinahagi ni Arra San Agustin na nag-uusap na silang muli ni Juami Tiongson matapos maghiwalay noong October 2022, at opisyal na maghiwalay noong January 2023.

Tinanong rin siya noon ni Tito Boy kung saan papunta ang pag-uusap na iyon nila ni Juami, at sinagot ni Arra na “Well, hopefully, to something good, to getting back.”

BALIKAN ANG ILAN SA SWEETEST PHOTOS NINA ARRA AT JUAMI SA GALLERY NA ITO: