GMA Logo kokoy de santos
Source: kkydsnts/IG
What's on TV

Kokoy De Santos, sasabak na sa teatro

By Kristian Eric Javier
Published November 13, 2025 1:58 PM PHT
Updated November 13, 2025 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

52 barangays affected by Mayon ashfall so far — OCD
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown
M1ss Jade So, Angel, and Popstar Bench to headline Australia drag shows

Article Inside Page


Showbiz News

kokoy de santos


Ang unang proyekto ni Kokoy de Santos sa teatro ay ang 'Ateng,' iprinodyus ni King of Talk Boy Abunda kasama si RS Francisco.

Sisimulan na ni Kokoy De Santos ang kaniyang journey bilang isang theater actor sa pamamgitan ng Palanca Award-winning one-act play na Ateng. Ito ay sinulat ito ni Vince De Jesus at iprinodyus ni King of Talk Boy Abunda.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 12, ibinahagi ng batikang host na idederehe ni Rem Zamora ang naturang play. Makakasama ni Kokoy rito ang mga kapwa aktor na sina Dyas Adarlo, Jason Barcial, IO Balanon, Vince De Jesus, at Thou Reyes.

Ayon kay Kokoy, si Boy ang nag-inspire sa kaniya na pasukin ang mundo ng teatro.

“Actually, si Tito Boy po talaga ang puno't dulo kung bakit nag-dive na 'ko sa panibagong journey ng pag-arte ko, which is ito ngang teatro,” sabi ng aktor.

“Matagal ko nang gusto gawin din naman, pinagkatiwala po sa 'kin ni Tito Boy. Nakikita niya na kaya ko, so nagtiwala na lang din ako sa sarili ko and so far, ito, malapit nang mag-start.

KILALANIN ANG KAPUSO ACTORS NA TUMAWID NA RIN SA TEATRO SA GALLERY NA ITO:

Ang production naman na ito ay nagmamarka ng pagbabalik ng batikang host sa theater na inilarawan ng King of Talk bilang “personal act of gratitude” kung saan siya nagmula.

Matatandaan na nagsimula si Boy bilang isang stage actor at kalaunan ay stage manager ng Metropolitan theater.

“Matagal naming pinag-usapan po ito ni Vince. Bago pa ho nag-pandemya pero finally, natuloy po. Marami ang nakakaalam that I started in the theater and I'm proud to have started at the Metropolitan Theater, so this is my way of paying back, ika nga,” sabi ni Boy.

Mapapanood na ang Ateng ngayong Biyernes, November 14, at may weekend performances din hanggang December 7 sa Rampa Drag Club sa Quezon City.

Panoorin ang anunsyo ni Boy rito: