What's on TV

Max Collins, gusto pa bang ipahanap ang ama?

By Kristian Eric Javier
Published April 8, 2026 10:11 AM PHT
Updated April 8, 2026 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kiko Barzaga joins PDP Laban
Non-structural fires in Davao City more than doubled in Q1 of 2026
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins


Matapos ang mahabang panahon ng paghahanap ni Max Collins sa kaniyang ama, nais pa rin ba niya itong makita?

Matapos ang matagal na paghahanap sa kaniyang estranged father, sinabi ni Max Collins na susubukin pa rin niyang hanapin ito gamit ang isang manhunter. Ngunit kapag hindi pa rin niya ito nahanap, susuko na umano ang aktres.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 7, ibinahagi ni Max na pinilit niyang hanapin ang kaniyang ama. At kung sa totoong buhay ay mayroong manhunter katulad ng sa upcoming series nila na The Master Cutter, kukunin niya ang serbisyo nito.

Ngunit kung hindi pa rin mahanap ang ama, sabi ni Max, “I am gonna stop, pagod na ako, okay na 'yun. Kasi wala naman siyang pakinabang sa buhay. I mean not to be mean, but my mom did everything. Siya ang tumayong ina at ama sa aming pamilya so hindi ko siya kailangan.”

Sabi pa ng aktres, naghiwalay ang kaniyang mga magulang noong sanggol pa lamang siya. At sa buong buhay niya, hindi naman siya hinanap o bumalik para sa aktres.

“Bakit ko siya kailangan hanapin? It's not out of anger, but it's like he didn't try naman,” sabi ni Max.

Sabi ni Max, pakiramdam niya noong bata pa siya ay makukumpleto siya kapag nakita at nakilala ang ama kaya niya hinanap ito. Ngunit kalaunan, nalaman niyang hindi naman pala iyon totoo.

“Depende sa perspective mo sa buhay, 'yun ang natutunan ko. Like I'm buo as I am without my dad,” sabi ni Max.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA PINALAKI RIN NG SINGLE PARENTS SA GALLERY NA ITO: