advertisement
TV

LOOK: Scenes from 'Fast Talk with Boy Abunda' pictorial

1 of 15

Boy Abunda 

Ilang linggo lamang matapos pumirma ng kontrata sa GMA Network ay magsisimula na ang pinakaunang programa ni Boy Abunda bilang isang nagbabalik-Kapuso -- ito ang 'Fast Talk with Boy Abunda.'

2 of 15

Pictorial briefing

Sa isinagawang pictorial at plugs shoot para sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' ganado at attentive na sumalang si Boy sa briefing at pictorial proper.

3 of 15

Rehearsals

Bagamat kayang-kaya ng isang take ang kanyang plug shoot, minabuti ni Boy Abunda na mag-rehearese pa rin para sa kanyang script.

advertisement
4 of 15

Fun shoot

Hindi naman nawawala kay Boy Abunda ang pagiging masayahin para maging lively ang production at ang set.

5 of 15

Plug shoot

Pagdating ng take, mabilis na nag-shift si Boy Abunda ng kanyang emosyon mula funny papunta sa kanyang serious mode.

6 of 15

The King of Talk

Ang mga linya na ibinigay sa kanya ay agad niyang nagawa nang maayos at mabilis.

advertisement
7 of 15

Another briefing

Mahigit tatlong dekada na sa show business si Boy Abunda pero marunong pa rin siyang makinig sa kanyang mga katrabaho.

8 of 15

Next take 

Sa kanyang ikalawang plug, effortless na ibinigay ni Boy Abunda ang hinihingi ng production.

9 of 15

Kulitan

Magaan ang naging trabaho ng production kasama ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda.

advertisement
10 of 15

Love for work

Sa ilang oras na shoot, hindi kinakitaan ng pagod si Boy Abunda sa kanyang ginagawang trabaho.

11 of 15

Challenging

Sa isang panayam, inamin ni Boy Abunda na batid niyang malaki na ang pagbabago ngayon sa sources ng mga balita ng mga Pilipino kasama na ang showbiz updates kung kaya't challenging para sa kanyang programa ang maging una sa balitang pang-entertainment.

“We have to step up, we have to be able to present how we're gonna do Fast Talk. Ang Fast Talk naman is specific and personal to the guest,” aniya.

12 of 15

Kapuso viewers

Alam din ni Boy Abunda na kailangan niyang kumbinshin ang Kapuso viewers na manood ng kanyang programa. Aniya, “It's not gonna be easy dahil ako ay kakatok, hihiram, hihingi, ng 20 minutes ng oras tuwing hapon from Monday to Friday, mula sa ating mga kababayan, sa mga nanay, sa mga tatay, sa mga Kapuso na makipagbalitaan at makipagkuwentuhan but exactly how its gonna work, is it gonna work, mapangahas masyado sabihin na magagawa ko 'yun, I will need your help.”

advertisement
13 of 15

Credible source

Layunin ng 'Fast Talk with Boy Abunda' na maging isang credible go-to source patungkol sa lahat ng mga kaganapan sa showbiz industry.

14 of 15

Powerful line

Ang mga balitang naririnig mo tungkol sa mga artista, paano ka nakakasiguradong lahat 'yan ay totoo? Isa sa mga linya ni Boy Abunda para sa kanyang programa.

15 of 15

Fast Talk with Boy Abunda

Know the latest talk and only the real talk. 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong January 23 na sa GMA Afternoon Prime.

advertisement