Gabby Eigenmann at Epy Quizon, hindi akalaing sisikat kahit pa superstars ang mga magulang

GMA Logo gabby eigenmann and epy

Photo Inside Page


Photos

gabby eigenmann and epy



Dalawa lamang sina Gabby Eigenmann at Epy Quizon sa mga dapat abangan sa 'Voltes V: Legacy,' na magpe-premiere na sa May 8 sa GMA Telebabad.

Magkaiba man ng kampo o grupong kinabibilangan sa serye, pareho silang may isinakripisyo para sa kanilang roles.

Si Gabby ay sinadya ang pagpapataas ng timbang at nagpahaba ng bigote para bigyang-buhay si Commander Robinson, ang kumander ng international defense force ng planetang Earth.

Si Epy naman, muntikan nang magpaahit ng kilay para sa kanyang karakter na si Zuhl. Bukod pa rito, kailangang ipitin ni Epy ang kanyang boses at iyuko ang likod dahil si Zuhl ay isang matandang tagapayo ng prinsipe ng Boazanian empire na si Zardoz sa anime version.

Kung sa serye ay magkakontra sina Gabby at Epy, marami silang pagkakahalintulad sa totoong buhay. Kabilang na riyan ang pagiging showbiz royalties.

Si Gabby ay mula sa Eigenmann clan; ang yumaong batikang aktor na si Mark Gil ang kanyang ama. Si Epy naman ay anak ng late King of Comedy na si Dolphy.

Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Huwebes, May 4, binalikan nina Gabby at Epy ang kanilang pagsisimula bilang artista at nagkwento tungkol sa kanilang experience sa 'Voltes V: Legacy.'

Matagal-tagal na rin silang nasa industriya at magpahanggang ngayon, hindi nila akalain na sisikat din sila gaya ng kanilang mga ama.


Gabby Eigenmann and Epy Quizon
Gabby Eigenmann as Commander Robinson
Physical changes
Arnis training
Mark Gil
Singer
Epy Quizon as Zuhl
PostureĀ 
Comparisons
Better person, better actor

Around GMA

Around GMA

DA creates watchdog for FMR monitoring
Alleged Dawlah Islamiyah leader, bomb expert killed in military ops
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house