advertisement
TV

Gabby Eigenmann at Epy Quizon, hindi akalaing sisikat kahit pa superstars ang mga magulang

1 of 10

Gabby Eigenmann and Epy Quizon

Sina Gabby Eigenmann at Epy Quizon ang guests ng King of Talk na si Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong May 4 para i-promote ang bago nilang show na 'Voltes V: Legacy.'

2 of 10

Gabby Eigenmann as Commander Robinson

Ikinuwento ni Gabby ang mga sakripisyong ginawa niya para sa kanyang 'Voltes V: Legacy' character at isa na riyan ang pagpapataas ng timbang. Sa anime na 'Voltes V,' kung saan hango ang serye, malaki ang pangangatawan ni Commander Robinson.

3 of 10

Physical changes

Nagpahaba rin ng bigote si Gabby.

advertisement
4 of 10

Arnis training

Kabilang sa paghahanda ni Gabby ang arnis training kasama si Ysabel Ortega, na anak niya sa 'Voltes V: Legacy.'

5 of 10

Mark Gil

Ticket to showbiz ang pagiging anak ng artista, ani Gabby Eigenmann na mula sa isa sa mga pinakasikat at pinakamatagumpay na showbiz clan, ang Eigenmanns.

6 of 10

Singer

Hindi akalain ni Gabby na magiging aktor din siya gaya ng kanyang mga kamag-anak dahil una siyang nakilala bilang singer. Ayon sa aktor, ni hindi niya kinokonsiderang celebrity ang kanyang sarili.

advertisement
7 of 10

Epy Quizon as Zuhl

Gagampanan ni Epy Quizon si Zuhl, ang eldest counsel ni Zardoz (Martin Del Rosario), ang prinsipe ng Boazanian empire. Si Zuhl ay designer at creator din ng beast fighters na sasalakay sa planetang Earth.

8 of 10

Posture 

Sa buong produksyon ng 'Voltes V: Legacy,' ipit ang boses at nakayuko ang likod ni Epy.

9 of 10

Comparisons

Ayon kay Epy, madaling makapasok sa showbiz pero ang pinakamahirap na parte nito ay ang pagkukumpara sa kanila ng kanyang ama ng madla.

advertisement
10 of 10

Better person, better actor

Nanatili namang mapagkumbaba si Epy dahil, aniya, mas mabuting tao at mas mabuting aktor ang King of Comedy.