Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda nitong Biyernes, May 5, ang tinaguriang “The Optimum Star,” Claudine Barretto, ang eksklusibong nakapanayam ni Boy Abunda.
Sa kaniyang interview kasama ang King of Talk ay ibinahagi ni Claudine kung bakit wala na siyang planong magpakasal muli, ang kanyang relasyon sa kanyang mga kapatid at pamangkin, at maging ang mga natutunan niya mula sa kanyang mga magulang.
Balikan ang naging episode ni Claudine sa Fast Talk With Boy Abunda dito:
Sumabak muna si Claudine sa isang mabilisang “fast talk” bago magsimula ang interview.
Ayon kay Claudine ay hindi na siya muling magpapakasal, “I think I already gave my promise to my ex-husband and that's enough… I have my children, I have four… That alone takes so much of my time, my energy, my strength. I will focus on that.”
“I have become stronger and resilient because of my mom,” ani Claudine.
“What I've learned from my mom is that once you become a mother, once you bear children, your life is not yours anymore. Your life becomes your children's lives,” dagdag pa ng aktres.
Naging emosyonal naman si Claudine nang mapag-usapan ang kanyang yumaong ama, “I am who I am today because of my dad.”
Ayon kay Claudine ay “very, very proud” siya kay Julia Barretto at sa lahat ng kanyang mga pamangkin, “I'm very proud not only of Julia, but all my nieces… I'm proud of whatever it is that she's achieving now. I would just want her to have more breaks, para ma-showcase 'yung acting niya talaga.”
“The reason why I'm also okay now, after everything that I've been through, is because of my sister Gretchen. She never left my side,” ani Claudine.
Ayon naman kay Claudine ay “all is well” sa kanila ni Marjorie, “We don't really get to talk-talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, during dinners, merienda with the family, we have a big family, we small talk. That's good, that's good enough.”
Malaki naman ang pasasalamat ni Claudine sa mga fans na hindi nakakalimutan si Rico Yan, “My heart is overjoyed because the fans, the RYCB fans, hindi talaga nila kinalimutan si Rico up to this day and for that, I will forever be grateful.”
Isa sa mga naging segment ng episode ay ang pagbibigay ng mensahe ni Claudine sa kanyang mga nakababatang sarili.
Binansagan ni Claudine ang unang larawan bilang “Claudine the Dreamer” at mensahe niya para rito ay, “Keep on dreaming.”
Sa kanya namang larawan mula sa Got To Believe days ay nais sabihin ni Claudine na, “Your dreams have all come true.”
“Be strong,” ito ang naging mensahe ni Claudine sa kanyang 2018 self.