advertisement
TV

Alden Richards talks about his career, movie projects, fame, and perspective on love

1 of 11

Alden Richards

Muling nakapanayam ni Boy Abunda si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa 'Fast Talk with Boy Abunda.' Matatandaan na naging guest celebrity na si Alden sa nasabing programa noong pilot week nito.

2 of 11

Hosting

Ibinahagi ni Alden Richards na nakaka-proud para sa kanya bilang host na maging mentor si Boy Abunda.

3 of 11

Sample

Ipinakita rin ni Alden ang kanyang hosting style para sa 'Battle of the Judges.'

advertisement
4 of 11

Sharon Cuneta

Isa sa mga movie project ni Alden Richards ngayong taon ay ang pelikulang 'A Mother and Son's Story' kasama ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Ayon kay Alden, nakaramdam siya ng intimidation nang makatrabaho ang batikang aktres sa unang pagkakataon.

Ibinahagi rin ni Alden kung paano niya nalampasan ang takot na ito. Aniya, “Si Mama kasi po kapag nasa standby area kami o hindi pa nagro-roll 'yung camera, you can be yourself around her. That's how she makes me feel.”

5 of 11

Julia Montes

Mapapanood din si Alden Richards sa big screen kasama ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa pelikula na may pamagat na 'Five Break-ups and a Romance.' Ayon sa Sparkle actor, excited na siya para sa kanilang pinagbibidahang pelikula.

Ibinahagi rin ni Alden ang karanasan niya na makatrabaho si Julia. “Wala akong masabi rito kay Julia Montes. Napakahusay [at] napakabait,” aniya.

6 of 11

Fast Talk

Sumalang din si Alden Richards sa “Fast Talk” segment ng programa at isa sa mga kinailangan niyang sagutin ay, “Ako si Alden and I'm still….”

Ani Alden, “Ako si Alden and I'm still the same person that you knew even way before I started show business.”

advertisement
7 of 11

Beginnings

Ikinuwento rin ni Alden Richards ang kanyang pagsisimula at inilahad na nakaranas sila noon ng financial constraints.

8 of 11

Fame

Isa rin sa mga tinanong ng batikang talk show host kay Alden Richards ang tungkol sa kanyang pagiging sikat. “Let's talk about fame. Hindi ka yumabang?” tanong ni Boy.

“I would be a hypocrite, Tito Boy, if I said 'No.' At one point, lahat po tayo na-experience 'yan. Siguro po during the first part of my career,” pag-amin ng aktor.

Kuwento pa ni Alden, natauhan na lamang siya sa kanyang maling attitude nang nakita niyang naapektuhan na ang mga taong malapit sa kanyang buhay.

“Na-realize ko po 'yun Tito Boy nung pati 'yung mga taong malapit sa akin naapektuhan na. Parang these people sila dapat 'yung hindi magrereklamo sa'yo. Then it hit me na, baka nga gano'n na.”

Ayon pa kay Alden, marami rin siyang tunay na kaibigan na nagpapaalala sa kanya na huwag maging mayabang.

9 of 11

Career and finances

Tinanong din ni Boy Abunda si Alden Richards tungkol sa career at finances.

“Kaya mo na bang mabuhay nang komportable for the rest of your life?” tanong ni Boy.

“No, hindi po,” sagot ng Kapuso star. Paliwanag naman ni Alden, “There's this wise man who once told me that, 'Never kill the goose that lays the golden egg,' and right now po that is my career.”

Malaking bahagi raw ng kanyang kita ay nanggagaling pa rin sa kanyang trabaho bilang artista. Aniya, “A huge chunk of my income comes still from my job po as an actor, as an artist. Mahal ko po ang trabaho ko, hindi pa po nawawala 'yung passion ko sa kanya.”

advertisement
10 of 11

Love

Isa rin sa mga pinag-usapan nina Boy Abunda at Alden Richards ay tungkol sa pag-ibig. Ibinahagi ng Kapuso artist ang kanyang paniniwala tungkol dito.

“I think we are all looking for it. Love is… iba't ibang klaseng love Tito Boy, e. Iba ibang sensation siya e. Puwede siyang physical, puwede siyang emotional, puwede siyang mental or kung anuman,” aniya.

Sinagot din ng Sparkle star ang tanong sa kanya ng talk show host kung bakit pinili niyang maging pribado sa love life.

“Parang 'yun na lang 'yung puwede kong i-protect, Tito Boy. I think that's the only thing na I can save kasi kinakalkal po everyday e. But mabait naman po 'yung mga press people natin, napapakiusapan naman po sila at one point. Kumbaga 'wag niyo na pong tanungin, boring po 'yung love life ko.'” saad niya.

11 of 11

Battle of the Judges

Mapapanood si Alden Richards bilang host ng 'Battle of the Judges' simula July 15 sa GMA.