advertisement
TV

Katrina Halili, inamin ang totoong estado ng kanyang love life

1 of 9

GMA Gala

Agad na kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang Kapuso Primera Kontrabida na si Katrina Halili tungkol sa naging karanasan nito sa 2023 GMA Gala na ginanap noong July 22 sa Marriott Grand Ballroom sa Newport, Pasay City. Ayon sa aktres, noong una ay kinabahan siya. "Pero pagdating ko roon sobrang saya ko kasi nakita ko lahat ng co-workers ko na hindi ko na nakikita before--mga creatives, directors, mga kaibigan ko."

2 of 9

Fast Talk

Nang sumalang sa Fast Talk, ibinahagi ni Katrina Halili na si Dennis Trillo ang paborito niyang leading man. Isa naman sa paboritong Kapuso show ng aktres ang Marimar.

3 of 9

Lovelife

Nang tanungin kung meron o wala siyang lovelife, agad na sagot ni Katrina ay "meron." Pero nang tanungin kung gusto na nitong mag-asawa, "ayoko" ang naging sagot ng aktres.

advertisement
4 of 9

Pagkakaroon ng isa pang anak

Ayon kay Katrina Halili, ay ayaw na niyang madagdagan pa ang anak na si Katie. Sabi niya, "Ayoko ng magka-baby. 'Di ko kaya, mahirap. Saludo na lang ako sa maraming baby."

5 of 9

Pag-aasawa

Ayaw na rin daw ni Katrina Halili na mag-asawa. Nang tanungin ni Boy Abunda kung bakit, sagot niya, "Okay na ako, okay na po. Happy na ako. Lovelife na lang."

Naniniwala si Katrina sa "marriage" pero aniya sa tamang panahon, at sa ngayon ay wala pa ito sa isip ng aktres.

6 of 9

Katie

Ikinuwento rin ni Katrina kung bakit nagpaalam siya sa GMA Network na magkaroon lamang ng isang show sa loob ng isang taon. Ito ay para matutukan niya ang nine-year-old na anak na si Katie na mayroong mild autism spectrum disorder. Sabi niya, "Pina-check siya sa doctor and sabi kailangan ko na siyang tutukan hanggang mag-12 [years old] kasi baka lumala. Pero nasa mild lang naman po siya. So nag-decide ako na mag-cut ng work."

advertisement
7 of 9

20 years in showbiz

Sa 20 taon sa showbiz, aminado si Katrina Halili na kinakabahan pa rin siya sa tuwing sasabak sa proyekto, maging ang pagsalang sa acting workshops at interviews.

8 of 9

Boyfriend

Ayon kay Katrina Halili ay mayroon siyang boyfriend ngayon. Ikinuwento rin nito ang samahan ng anak na si Katie at ng boyfriend nito. "Mas more on kasama niya 'yung boyfriend ko. 'Yung boyfriend ko 'yung mas nagga-guide sa akin para alagaan 'yung anak ko, siya 'yung mas nagtuturo sa akin kasi stubborn ako 'di ba, stubborn din 'yung anak ko," natatawang kuwento ng aktres.

9 of 9

Fast Talk With Boy Abunda

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

advertisement