Aiai delas Alas shares how she handles jealousy and her rules for love

Nakapanayam ng Fast Talk with Boy Abunda ang Kapuso comedienne na si Aiai delas Alas at dito ibnahagi niya ang kanyang "rules" pagdating sa pag-big at buhay.
Unang nabanggit ni Aiai ang pressure pagdating sa crying scenes lalo na kapag mga beterano ang kasama. Aniya, "As an actress, iniisip ko 'yung mga malulungkot sa buhay ko. Kapag sa script naiiyak na ako, fina-follow ko 'yung nasa script. Kapag hindi, hinuhugot ko 'yung lahat ng mga masasakit na nangyari sa buhay ko. Mahirap kasi kapag masaya ka tapos kailangan ko[umiyak], 'yun 'yung medyo mahirap."
Dagdag ni Aiai, "Actor's cue, mahirap din 'yan lalo na kapag mga beterano na mga kasama mo. Kapag sinabi ng director na actor's cue tapos lahat sila naiyak tapos ikaw na lang hindi."
Naging challenge ito para kay Aiai lalo na't gumanap siya bilang isang lola na may Alzheimer's Disease sa pelikulang Litrato directed by Louie Reyes, na palabas na ngayong July 26.
Nakwento rin ni Aiai ang mga paraan niya para maging panatag ang loob sa relasyon nila ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan, na halos sampung taon niya nang partner.
Balikan ang interview ni Aiai delas Alas sa Fast Talk with Boy Abunda dito:







