Nakapanayam ng Fast Talk with Boy Abunda ang Kapuso comedienne na si Aiai delas Alas at dito ibnahagi niya ang kanyang "rules" pagdating sa pag-big at buhay.
Unang nabanggit ni Aiai ang pressure pagdating sa crying scenes lalo na kapag mga beterano ang kasama. Aniya, "As an actress, iniisip ko 'yung mga malulungkot sa buhay ko. Kapag sa script naiiyak na ako, fina-follow ko 'yung nasa script. Kapag hindi, hinuhugot ko 'yung lahat ng mga masasakit na nangyari sa buhay ko. Mahirap kasi kapag masaya ka tapos kailangan ko[umiyak], 'yun 'yung medyo mahirap."
Dagdag ni Aiai, "Actor's cue, mahirap din 'yan lalo na kapag mga beterano na mga kasama mo. Kapag sinabi ng director na actor's cue tapos lahat sila naiyak tapos ikaw na lang hindi."
Naging challenge ito para kay Aiai lalo na't gumanap siya bilang isang lola na may Alzheimer's Disease sa pelikulang Litrato directed by Louie Reyes, na palabas na ngayong July 26.
Nakwento rin ni Aiai ang mga paraan niya para maging panatag ang loob sa relasyon nila ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan, na halos sampung taon niya nang partner.
Balikan ang interview ni Aiai delas Alas sa Fast Talk with Boy Abunda dito:
Ibinahagi ni Kapuso comedienne Aiai delas Alas ang kanyang sinusunod na rules pagdating sa pag-big at buhay. Isa sa mga payo ni Aiai ay ang "Huwag pumatol sa asawa ng may asawa."
Kapag may hindi kakilala na babae raw na nag-te-text kay Gerald, sinasagot daw ito ni Aiai. "Tini-text ko. Sabi ko, 'Natutulog na asawa ko, sino ka ba? Bakit ka nag-tetext?'"
Aminado si Aiai na dumadaan din siya sa pagseselos ngunit lagi naman nila itong naaayos ng kanyang asawa. Wala naman daw siyang nahuhuling third party.
Aniya, "Wala pa. Pero may mga pinagseselosan ako. Pero mabait kasi si Gerald e. So wala naman akong problema sa ganun, selosa lang ako kaya ako nakikipag-confrontation. Masisimulan pa lang, inuunahan ko na."
Mapagbigay din si Aiai sa asawa maging sa pisikal na aspeto o sa pagbibigay ng regalo. Natanong ni Boy Abunda ang pinakamahal na expression ng pagmamahal niya kay Gerald at ang sagot ni Aiai, "Car? I'm sorry! Hindi, sa akin 'yung Jaguar. Kapag mahal mo, binbigay mo kasi alam mong magiging masaya siya. Ang maganda naman, kapag nagbigay ako, hindi ko sinusumbat."
May tiwala si Aiai na kakayanin nila ni Gerald kahit anong pagsubok lalo na't halos sampung taon na silang magkasama. "Nakikita ko naman na mag-ten years na kami, malapit na kaming mag ten years, wala naman akong nakikitang [masama]. Medyo minsan nalulubak pero alam kong hindi niya ako papalitan."
Umamin din si Aiai na pinagbibigyan niya talaga ang mister niya sa kama. Aniya, "Mag-adjust ka kapag nangangalabit si Mister. Magpaka-plastik muna, kunwari may gana para magtagal ng bonggang-bongga," biro ni Aiai.
Isa sa pinakaimportanteng role sa buhay ni Aiai, ang pagiging ina. Kaya ang mga payo niya, sa mga sariling anak niya ipinapamana.
Kung may maipapayo raw si Aiai sa anak niyang si Sophia, ito ay ang pagiging masunurin sa magulang kahit pagdating sa pagibig. "Unang-una kailangan makinig ka sa mga magulang lalo na sa mommy. Kasi ako, hindi ako nakinig sa nanay ko noon eh. And usually, mothers know best."