advertisement
TV

Marvin Agustin, naging waiter at mascot sa restaurant bago maging artista

1 of 7

Kayamanan

Unang tanong ni King of Talk Boy Abunda sa aktor at celebrity entrepreneur na si Marvin Agustin ay kung noon pa man ay alam na nito na magiging ganito siya kayaman?

Kuwento ni Marvin, "Dini-describe ko 'yung kayamanan hindi lang naman 'yan pera... experience, pagmamahal, relasyon, lahat ng 'yan kasi Tito Boy tinatrabaho 'yan at ginugusto. Kapag ginusto mo, masasabi mo sa sarili mo na hindi ka titigil hanggat hindi mo nakukuha 'yun. Pero isa sa pinakamagandang natutunan ko, we could do that with a happy heart at mayroong pagpapahalaga sa sarili, sa paligid, at sa pamilya."

2 of 7

Pangarap

Bago madiskubre bilang artista, nagtrabaho si Marvin Agustin bilang isang waiter at mascot sa isang pizza restaurant. Ayon sa aktor, wala siyang ibang pinangarap noon kung hindi ang makaahon sa kahirapan. Pagbabahagi niya, “Siyempre noong nagwe-waiter, struggling pa rin, sinuwerte, na-discover mag-artista, nakakain ng maayos, naka-experience ng mas magaganda sa buhay. Doon ko na-realize na puwedeng marating ng kahit na sino basta 'yun 'yung iisipin, gugustuhin mo at hindi ka matatakot mahirapan sa buhay.”

3 of 7

Buhay noon

Kuwento ni Marvin Agustin sa kanyang buhay noon, dahil sa sobrang nae-enjoy niya noon ang pagiging isang waiter at mascot sa restaurant ay tinanggihan niya ang ilang alok na maging artista. "Noong nadi-discover ako para maging artista, ang kapal ng mukha ko, nagno-'no' ako kasi masayang-masaya akong nagwe-waiter noon at pag-aaralin ako sa umaga at magwe-waiter ako sa Tia Maria sa gabi tapos ang gusto ko noon maging manager ng restaurant."

advertisement
4 of 7

Bunga ng pagsisikap

Ang pangarap noon na maging manager ng restaurant, ngayon ay may-ari na si Marvin Agustin ng nasa 50 restaurants. Ayon sa aktor, baon niya pa rin hanggang ngayon ang hirap na pinagdaanan noon sa buhay. "Kaya 'yung hunger na naranasan ko dati, na-realize ko na it's a character, it's a good trait of a human being para hindi ka tumigil sa gusto mong gawin sa buhay. Yung hunger, Tito Boy, hindi ko siya kinakalimutan."

5 of 7

Sipag, tiyaga, at diskarte

Ipinaliwanag din ni Marvin ang "formula" na alam niya para matuto at gumaling sa gustong gawin: sipag, tiyaga, at diskarte. Sabi niya, "Dati nu'ng nag-struggaling nga, 'yun ang laging isip--sipagan natin, tiyagaan natin. Tapos noong na-realize nga natin na kailangang lagyan ng diskarte 'yung sipag at tiyaga para marating mo 'yung mga ambisyon mo. Ito 'yung after struggling stage. Ito 'yung mayroon ka nang ambisyon at pangarap."

6 of 7

Buhay pag-ibig

Inamin ni Marvin Agustin ang tunay na estado ngayon ng kanyang buhay pag-ibig. Nang tanungin ni Boy Abunda ng "Yes or No, are you single?" sagot ni Marvin, "No, I'm not single." Ayon kay Marvin, "masayang masaya" ngayon ang lagay ng puso nito.

advertisement
7 of 7

Fast Talk With Boy Abunda

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast at sa iba pang digital platforms ng GMA.